Isang Ama Nagsuot ng Kulay Pink na Damit Pambabae sa Isang Mother’s Day Event Sa Isang Paaralan Upang Magsilbing Ina Sa Kanyang mga Anak

Ang istorya ng isang 32 taong gulang na ama na ito ay aming ibabahagi sa inyo, siguradong ika’y paluluhain at pasasayahin.




Ang pangalan ng ulirang tatay na ito ay si Chatchai Parn-uthai, itinataguyod mag-isa ang dalawang anak na may mga edad na 3 at 5 taong gulang. Sila ay nawalay sa kanilang ina tatlong taon na ang nakakalipas.

Bilang isang mabuting tatay sa kaniyang mga anak, siya ay nagsuot ng kulay pink na damit-pambabae at may nakalagay na hairpin sa kanya buhok upang dumalo sa Mother’s Day Thanksgiving event sa paaralan ng kanyang anak na lalaki.

Ayon kay Chatchai:

“Ako ay isang single father sa dalawang bata. Para sa aking mga anak, kaya kong gawin ang lahat.”

May ilang netizens na nag-upload ng video ni Chatchai na nakasaksi ng kanyang partisipasyon sa nasabing event at ang video na ito ay nakalikom ng mahigit 5.2 million na views sa loob lamang ng dalawang araw. Marami sa nakapanuod ng video ay talagang nadala ng kanilang damdamin.

Nang siya ay tinanong ng mga reporters tungkol sa pangyayaring iyon, nagawa lamang niya iyon dahil ang tanging nais niya para sa kanyang anak ay maging maligaya sa araw na iyon kahit na wala silang nanay para gampanan ang tungkulin bilang ina sa event na iyon.




Pahayag ni Chatchai: “Ayokong maramdaman ng aking mga anak na parang sa kanila ay may kulang at tanging minimithi ko lamang ay maging masaya sila.

Hindi ko ikinakahiya ang aking ginawa dahil mahal na mahal ko ang aking mga anak. Hangga’t nakikita ko silang nakangiti, lahat ng aking paghihirap ay sulit na sulit.

Sinabi rin niya na siya ay sobrang nagpapasalamat sa naging suporta ng mga netizens sa kanyang ipinakita at siya rin ay nangakong ipapagpatuloy ang pagiging mabuting ama.

Panuorin dito ang

Source: worldofbuzz