Kilalanin ang Batang Si Yasha na Tinaguriang “World’s Youngest Professor.”

Bilang isang batamg henyo pagdating sa math, si Yasha Asley 14 years old ay kasalukuyang nagtatrabaho na sa University of Leicester bilang isang Mathematics professor. Isang trabaho na kung saan napakahirap makuha para sa kahit sino at kinakailangan na talagang matalino ang nasa trabahong ito.




Pinili ng Unibersidad si Yasha upang maging guro, sa kadahilanang siya ay henyo sa matematika at tinagurian din bilang “Human Calculator” na kung saan mayroon ng karanasan dahil siya humawak na ng isang Math Tutorial Classes noong siya 13 years old pa lamang.

Ayon kay Yasha, siya ay masayang-masaya sa kanyang ginagawa na pagtuturo at pagpasok sa Unibersidad. Sapagkat nang dahil sa kanyang angking galing, maraming estudyante ang natutulungan at natututo ng maayos.

Habang siya ay nagtuturo, kanyang ipinagsasabay ang pagiging estudyante at pagkuha ng degree sa parehong Unibersidad kung saan siya ay nagtuturo. Kinukuha ang titulo na, “Youngest Student Ever.”




Siya ay nagmula sa bansang Iran, ang batang henyo na ito ay ipinanganak noong taon 2002. Noong siya ay 8 taong gulang pa lamang, siya ang kauna-unahang bata na nakakamit ng gradong A sa mathematic A level matapos makakuha ng 100 porsyentong iskor sa naturang subject.

Siya ay pumasa sa mas matataas na antas ng matematika at statistics noong siya ay umangat na sa edad na 9-10 years old.

Si Yasha ay nag aral muna sa isang state primary school bago pa man magkaroon ng oportunidad upang makapag-aral sa mas mataas na degree level ng Math noong siya ay 12 years old pa lang.

Source: Siasat