Nilalangoy ng Lalaking Ito ang 2-Kilometro na Ilog Upang Makaiwas sa Trapiko at Hindi Ma-late sa Kanyang Trabaho

Bunsod ng matinding traffic sa mga kalsada sa iba’t ibang bansa, marami sa mga commuters at may-ari ng sasakyan ang nauubos na ang pasensya sa tuwing hindi man lang umuusad ang trapiko.

Kaya naman kakaiba ang naisip ng isang 45 years old na lalaki sa Germany, siya ay nagngangalang Benjamin David na kung saan naghanap siya ng alternatibong paraan upang makaiwas sa matinding trapiko.




Sa halip na siya ay magcommute araw-araw upang makarating sa kanyang office, mas pinili niya na languyin ang dalawang kilometro na Isar River na ang ruta ay mula sa kanyang tahanan patungo sa office.

Ayon kay Benjamin, mas gugustuhin niya na languyin na lamang ang kahabaan ng ilog kaysa mahuli ng pagpasok kanyang trabaho dahil na rin sa punong-puno ang kalsada ng mga sasakyan na nagdudulot ng traffic.




Sa tuwing umaga, binabalutan niya ang kanyang mga kagamitan para sa trabaho at magsusuot ng swimming trunks na may kasamang rubber sandals upang protektahan ang kanyang paa mula sa mga malalaking bato at iba pang mga matutulis na bagay na mayroon sa ilog.

Nagdadala rin siya ng tuwalya, laptop, at sapatos gamit ang waterproof na bag, na kung saan ginagamit niya din na parang salbabida upang siya ay lumutang.

Karaniwang tumatagal ng 30 minutes bago siya makarating sa kanyang destinasyon. Pagkaahon niya mula sa ilog, ang tanging gagawin niya lamang ay magpapatuyo at magpapalit na ng damit sa kanyang office.

Sa paraang ganito, nasisiyahan naman si David sa kanyang paglangoy ng ganito kalayo tuwing umaga sapagkat marami ding benepisyo ito para sa kalusugan dahil ito ay uri ng ehersisyo. Gayunpaman, bago pa man siya lumusong sa tubig, kanyang sinusuri muna ang level ng tubig at temperatura nito.

“The traffic on the road next to the Isar River is so wild that it is no fun,” Ito ang sabi niya sa News Outlet. “When I’m swimming, I am indeed quicker and also more relaxed.”

Samantala sa tuwing masama naman ang panahon, Si David ay bumabalik sa karaniwan niyang paraan ng transportasyon patungo sa kanyang office.

Source: Asiaone