Isang Binatang Lalaki Ang Natupad Ang Pangarap Na Maging Milyonaryo Sa Edad Na Dalawamput Limang Taon

Lahat tayo ay may iba’t ibang pangarap pero marami sa atin ang nais na maging milyonaryo sa edad na dalawamput limang taong gulang at matupad ang buhay na kanilang ninanais! Ngunit ang pagiging isang milyonaryo sa ganoong edad ay mukhang imposible kung ikaw ay magsisimula sa wala. Malinaw naman na kung ang mga batang mayaman ay makakapagsimula ng maayos sa tulong ng kanilang mayayaman na magulang.




Ngunit ang mga mahihirap na bata kagaya ni Jhay-R Reyes ay hindi ganoon kapalad. Kagaya ng karamihan sa atin, sila ay nagsisimula sa wala at kailangang magsikap at magtrabaho hanggang makaahon sa buhay. Ngunit si Jhay-R kamakailan ay naging viral dahil nakamit niya ang kanyang pangarap na maging milyonaryo sa edad na dalawamput lima! Paano nga ba niya ito ginawa?

Ayun kay Jhay-R sa kanyang post sa Facebook na naging viral, ang kanyang pinagdaan ay hindi madali para marating niya ang kanyang pangarap. Bilang isang mahirap na bata, naging iskolar siya sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

“Noong ako ay malapit ng magtapos ng kolehiyo, nagkaroon ako ng hangarin na maging milyonaryo sa edad na dalawamput limang taong gulang at magkaroon ng sariling bahay at sasakyan. Syempre hindi lahat ng naiplano ay nangyayari. Ito ay naging malubak na daan, madaming liku-liko at taas baba. Ang Tatay ko ay nagkasakit sa loob ng dalawang taon, at ako naman ay nagkaroon ng mga isyu sa kalusugan dahil sa stress at nagkaroon ng limang empleyado sa loob lamang ng apat na taon dahil sa hindi pagkakasundo.”




Bilang isang Iskolar ng bayan, nagsimula siyang pumasok sa sa stocks exchange kahit na siya ay isang estudyante pa lamang. Nagsimula siya sa kapital na 9,100.00 pesos. Sa mga nakalipas na taon umaabot sa mahigit kumulang isang libong pagbili at pagbenta ng stocks sa pamilihan ang kanyang ginagawa.

Ngayong siya ay dalawamput anim na taon na siya ay naging isang milyonaryo! Humigit man ito ng isang taon sa kanyang ninanais na edad, ang mahalaga ay natupad niya ang kanyang pangarap habang siya ay bata pa! Ito ay tunay na pambihira.

“Bawat sentimo, piso na meron ako ngayon ay nanggaling sa ipinuhunan ko sa stocks. Ang bahay na ito ay bunga ng stocks at pati na rin ang aking sasakyan. Narating koi to ng wala akong naging utang at wala akong niloko na tao.” aniya.

Sa ngayon ipinagmamalaki niyang meron siyang dalawang palapag na bahay sa Crown Asia sa Antipolo at meron sasakyan na SUV.

Source: Facebook