Ang Restaurant na ito ay Nag-aalok ng “SILI” Ice Cream Flavor at Iba’t ibang Putahe na Nanggaling Mula Pa Sa Bicol

Kayo ba ay pamilyar sa lutong Bicol Express, ito ang ipinagmamalaki na putahe ng mga Bikolano. Tunay ngang napakasarap ng lutong ito dahil sa taglay na anghang at sarap nito. Ngunit sa kabila ng nakakatakam na ulam na ito, alam niyo ba na mayroon din na CHILI ICE CREAM.

Nang magsimula na itayo ang 1st Colonial Restaurant noong 2004, ang mga may-ari na sina Elmer at Rowena Aspe ay nag-isip ng mga dish na makakapagpapanalo sa kanila sa labanan o kompetisyon ng mga restaurant.




Habang itinataguyod ang kanilang restaurant sa pamamagitan ng pag-alok ng mga Bikolano dishes, alam nila na darating ang panahon na gagayahin na din ang mga ulam na nakatala sa kanilang menu.

Kaya naman upang makaakit ng madaming customers, dito nila naisipan na kailangan nilang mag-isip ng kakaiba at siguradong babalik-balikan ng mga tao

Bukod sa paglagay ng mga tradisyunal na putahe sa kanilang menu tulad ng tinutungang manok, burned kandingga, at ang pinakapatok para sa mga customer ang “Bicol Express,” dito na sila nagsimulang mag-eksperimento ng CHILI ICE CREAM.




Ito ang pahayag ni Elmer: ” Mga sinaunang luto yan na wala na ngayon. Yun yung gusto namin ibalik. Purpose ng company is nagnenegosyo ka na, napropromote mo pa ang Bicol.”

“Naisip ko, why not make a product na lahat ng ingredients galing sa Bicol? Ang top mind pag narinig mo ang Bicol ay sili. Meron nang sikat na halo-halo product. So, why not make ice cream made from sili?”




Ngunit ang paggawa ng bersyon nila na ice cream na gawa sa SILI ay hindi naging madali para sa kanilang dalawa dahil kailangan na maging ubod ng sarap ang ice cream na ito upang balik-balikan ng mga tao.

Tumagal ng halos 3 buwan bago madiskubre ni Rowena ang pinakatamang timpla para sa ice cream na ito. Ito ay nang dahil sa kanyang panaginip.

Ito ang pahayag ni Rowena: “Tinuturan niya ako. Hindi pala pwede i-extract ang anghang. Hindi pala pwede sa milk dapat coco milk.”

Nang siya ay magising, pinakinggan niya ang mungkahi mula sa kanyang panaginip at dito na nagsimula ang pagkakadiskubre ng chili ice cream.

Ang Chili Ice Cream na ito ay tunay nga na nagbigay ng swerte at katanyagan para sa mag-asawa. Mas dumami ang bumibisita sa kanilang restaurant upang matikman lamang ang kakaibang ice cream na ito.

Kasalukuyan na ang 1st Colonial Restaurant ay mayroon nang 8 branches sa buong Bicol, at mayroon pang 2 na magbubukas. Mayroon din silang magpalawak ng kanilang negosyo hanggang sa Manila na kung saan itatayo ang unang branch sa syudad na matatagpuan sa NAIA Terminal 3 Arrivals Lobby.

Source: Entrepeneur