Siya ang 19-Year-Old na Dalaga na Magiging Malaysia’s Youngest Doctor

Si Chan Hao Shan ay isang estudyante na malapit na magtapos sa Taylor University na kumukuha ng kursong Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery sa edad na 19 taong gulang pa lamang. Kung siya ay papalarin na makapagtapos, siya ang magiging kauna-unahang Malaysia’s Youngest Doctor.



Noong bata pa lamang, si Chan ay nakitaan na ng lubos na pagkahilig sa pagbabasa. Sa katunayan, mayroong napakalaking silid-aklatan sa kanilang tahanan na kung saan halos lahat ng libro ay kanyang personal na pinili noong siya ay nasa murang edad pa lamang. Isa sa kanyang pinakapaborito na mga libro ay ang serye ng Harry Potter at The Hunger Games.

Si Chan ay maagang naulila sa kanyang ina noong siya ay walong taong gulang pa lamang dahil sa malalang karamdaman. Sa mga panahong iyon, dito niya nakita ang interes sa pagdidiskubre kung paano gumagana ang ating katawan.



Hindi epektibo para kay Chan ang pag-aaral sa antas na kung saan naaangkop sa kanyang edad dahil makikita sa kanya na sobrang talino ang batang ito at kailangan iangat agad sa mas mataas na paaralan. Tatlong taon lamang ang ginugol ni Chan sa Chinese Primary School sa Kuala Lumpur, tapos lumipat na siya sa isang International School na kung saan kanyang tinapos ang primary at secondary school syllabus.

Siya ay nag-enroll sa Australian Matriculation o AUSMAT, isang paaralan sa kolehiyo na pribado at tinapos niya lamang ito sa loob ng isang taon, na kung saan siya ang pinakabatang magtatapos sa graduation ceremony na iyo.

Si Chan ay kasalukuyang sasabak sa medical internship at patungo na sa minimithing tagumpay kung saan siya ay magtatapos na. Gayunpaman, ang dalagang ito ay hindi natatapos sa graduation ang pagtuklas ng napakaraming kaalaman dahil napakarami pa siyang pangarap at nais matutunan sa buhay.

Source:  World of Buzz