Ito ang mga Bagay na Nagagawa ng mga Lalaki para sa mga Babae Kapag Sila ay Nainlove ng Totoo!

Kapag ang relasyon ay nagsimula na, karamihan sa mga kababaihan ay nahihirapan malaman kung ang lalaking pinili nilang maging nobyo ay tunay na ang nararamdaman para sa kanila.

May mga pagkakataon na hindi mo namamalayan na ang lalaki na iyong minamahal ay sobra-sobra na pala ang pagmamahal sayo.

Kaya naman, kailangan niyong malaman ang mga bagay na ito na nagpapakita na siya ay mayroong napakalalim na pag-ibig para sayo.

1. Siya ay madalas na tumatawag sa cellphone

Nais niyang marinig ang boses mo nang mas madalas o ilalaan niya ang kanyang bakanteng oras para lang makausap ka sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono kaysa sa makatext o makachat ka.

2. Gusto niyang maging opisyal ang inyong relasyon

Siya ay tunay na nagmamahal kung kaya niyang ipakita sa publiko na ikaw ay kanyang mahal at nais niyang malaman ng mga taong importante sa buhay niya na ikaw ang kanyang nililigawan. Sa madaling salita, hindi ka niya ikinakahiya.

3. Madalas ka niyang kamustahin

Kung ikaw ay madalas o regular na kinakamusta nang isang lalaki, ito lamang ay sumisimbolo na gusto ka niyang alagaan sa kadahilanang siya ay nagmamahal sayo ng lubos. Masarap sa pakiramdam ang mayroon palaging nag-aalala at nag-aalaga.

4. Siya ay maganda makitungo sa iyong mga kaibigan

Ang lahat ng importanteng tao sa buhay mo ay tinuturing niya bilang kaibigan niya na din at pinapakitunguhan niya ng mabuti. Ginagawa niya ang mga bagay na ito dahil mahal ka niyang totoo.

5. Dinadala ka niya sa masayang date

Ang tanging nais nila ay ang iyong kasiyahan at perpektong date para sa iyo. Sila ay nag iisip ng effort na magugustuhan mo. Inaalam nila ang mga hilig at hindi mo hilig.

6. Sinasama ka niya kasama ang kanyang mga kabarkadang lalaki

Siya ay hindi nagdadalawang isip na isama ka sa lakad ng kanyang barkada tulad ng mga night out. Ibig sabihin lamang nito ay ikaw lamang ang gusto niya makasama palagi at hindi na nag iisip na tumingin pa sa iba.

7. Siya ay madaming katanungan sa iyo

Kung ang isang lalaki ay talagang inlove sa iyo, siya ay maraming katanungan tungkol sa buhay at mga gusto mo sa buhay. Ang tanging importante para sa kanila ay ang malaman ang mga karanasan mo at background ng iyong buhay.

8. Pinapakita niya ang bahagi ng kanyang pagkatao na pagiging emosyonal

Kung hindi niyo pa alam, ang mga lalaki ay mas emosyonal at sensitibo sa kanilang sakit na nararamdaman ngunit hindi nila ito pinapakita ng buo. Pero kung sila ay umiyak nang dahil sa iyo at hindi nila napigilan ang emosyon na nadarama, sila ay tunay na nagmamahal sa iyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *