Ito ang mga Mabisa na Alternatibong Paraan Upang Paputiin at Tanggalin ang Mantsa Sa Inyong Mga Damit

Maaari mo makuha ang mga mantsa sa inyong damit mula sa iba’t ibang parte o lokasyon sa loob ng inyong tahanan. Halimbawa na lamang nito ay sa tuwing ikaw ay aksidenteng matatapunan ng pagkain o inumin na makulay o masebo.

Ito ay dumidikit sa tela ng inyong damit na nagreresulta sa nakakairitang mantsa na napakahirap tanggalin sa tuwing ito’y lalabhan.



Ang pagtanggal ng mantsa sa inyong mga damit ay isa sa pinakamahirap na gawain. Marahil kakailanganin mo pa gumamit ng mga detergent o bleach na naglalaman ng mga kemikal na maaaring makaapekto sa orihinal na kulay ng inyong damit.

Sa halip na bumili ng mga produkto na naglalaman ng napakaraming kemikal at napakamahal na mga stain remover, mas mainam na gawin o maghanap ng mga alternatibo at natural na solusyon na maaari mong makita sa inyong tahanan.

Ang mga natural na solusyon na ito ay napakaepektibo sa pagtatanggal ng mga mantsa. Dagdag pa rito, ito ay hindi naglalaman ng masasamang kemikal na makakasira ng inyong damit.

Ito ang mga sangkap o alternatibong produkto na maaari niyong gamitin sa pagtatanggal ng mga mantsa:

Aspirin



Ang aspirin ay karaniwang ginagamit ng mga tao upang maibsan ang iba’t ibang sakit na maaaring maramdaman ng isang indibidwal.

Subalit alam niyo ba na maaari din itong gamitin para sa pagtatanggal ng mantsa sa ating mga damit at muling maibalik ang dating kaputian ng ating mga puting damit.

Ang kailangan niyo lamang gawin ay lagyan ng tubig ang palanggana at magdurog ng anim na aspirin at ihalo ito sa tubig.

Ibabad dito ang inyong mga puting damit at hayaan ito nakababad sa loob ng tatlumpung minuto.

Pagkapos ng pagbabad ng mga damit sa aspirin, hugasan ang inyong damit gamit ang regular na detergent at banlawan na ito. Makikita mo na ang mga mantsa sa inyong damit ay mawawala at muling manunumbalik ang perpekto nitong kulay.

Baking soda



Ang baking soda ay isa pinakapopular na remedyo sa panahon ngayon dahil napakarami ka na maaaring mapakinabang mula dito. Isa na dito ay ang kakayahan nito na magtanggal ng mantsa sa inyong damit.

Maglagay ng 4 na litro ng tubig sa isang plastic container at haluan ito ng 1 cup ng baking soda at haluin ito ng mabuti hanggang sa malusaw ang baking soda rito.

Pagkatapos, tunawin ang baking soda sa tubig, ibabad ang inyong damit sa mixture at hayaan ito sa loob ng ilang minuto. Pagkatapos nito ay banlawan ang inyong damit.

Lemon at Suka

Ang kombinasyon ng lemon at suka ay mainam para sa pagpapaputi at pagtanggal ng mga mantsa mula sa ating damit.

Upang makabuo ng solusyon, ihalo ang magkapantay na halaga ng dalawang sangkap. Hugasan ang inyong mga damit gamit ang pinaghalong mixture. Pagkatapos gawin ito, mapapansin na magmumukhang bago muli ang inyong damit.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *