Mga Maaaring Sinyales Na Nagpapakita na ang Karelasyon Mo Ay Mayroong Kabet o May Iba ng Kinalolokohan

Dito niyo malalaman ang ilan sa mga sinyales at indikasyon na nagpapakita na ang inyong minamahal ay nagloloko na sa inyong relasyon.

Hindi lahat ng mga mababanggit dito ay sigurado, ngunit malaki ang posibilidad kung sakali man inyo itong maramdaman o masaksihan.



Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang “CHEATING” sa isang relasyon?

Isa sa pinakamalalang paraan ng CHEATING o panloloko sa inyong partner ay ang pakikipagtalik bukod pa sa kanya.

May iba ding sitwasyon na kung saan ang pakikipagmeet o date sa iba na patagong isinasagawa ay isang form din ng cheating.

Dagdag pa rito ay ang pakikipagtext/chat at pakikipagtawagan na may halong lambingan ay kasama na din sa panloloko.

Kung ang alin man sa mga nabanggit ay iyong nagawa na habang ikaw ay may karelasyon, ikaw ay nakagawa na ng isang bagay tulad ng pagtataksil.

Alam naman nating lahat na walang magandang maidudulot ang panloloko sa taong tunay na nagmamahal sayo ngunit kapag dumating na ang panahon na subukin ka ng tukso, ang iba sa mga tao ay hindi ito mapigilan.



Ito ang listahan na nagpapakita na ang inyong partner ay mayroon ng iba:

1. Una sa lahat ay kung ang iyong kapartner ay wala nang ganang makipagta  lik sa iyo. Hindi na niya nababanggit ang mga salita tulad ng I love you.

2. Mayroon na siyang iba kung hindi ka na niya hinahayaang gumamit ng kanyang cellphone o kaya ay meron syang isang reserba na ginagamit ng patago.

Hindi niya pinapaalam ang password nito sayo at mas pipiliin niyang humarap na lamang sa screen ng cellphone habang ika’y tulog kaysa makipag cuddle sa iyo.

3. Kung ang iyong partner ay nagsisimula nang maging mailap sa iyo at ang kanyang interes sa mga masasayang bagay na dati-rating inyong madalas na ginagawa ay naglaho na.

4. Kung napapadalas na ang kanyang pag uwi ng hating-gabi o madaling araw na ang kanyang dahilan lamang ay sobrang busy sa trabaho. Umaalis siya ng inyong bahay na hindi ka na isinasama at umaabot na din ito ng ilang araw.

5. Kung mayroong madalas na tumatawag sa kanya at talagang lalayo siya sa iyo dahil ayaw niyang marinig mo ang kanilang usapan.



Matapos ang kanilang usapan at tinanong mo siya kung sino ang kanyang kausap, ang tanging isasagot lamang niya ay “WALA. WRONG NUMBER.”

6. Siya ay mayroon ng iba kung ang kanyang damit ay amoy pabango na hindi pamilyar sa ilong mo.

7. Dagdag pa sa mga sinyales ay sa tuwing siya ay uuwi at diretso agad sa shower room.

8. Siya ay biglang bumabait ng sobra na hindi mo alam kung anong nakain niya at nagkakaganun siya na hindi naman niya ginagawa sayo dati. Malamang mayroon siyang kasalanan na ginagawa.

9. Kapag umiiwas siya sa iyong paglalambing o kaya hindi ka na niya mahalikan.

10. Kapag hindi na niya napapansin na bagong ligo ka, na mabango ka o deadma na siya sa iyong sweetness.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *