Siya Pala ang Half-Sister ni Liza Soberano na Talagang Manang-mana sa Kanya ng Kagandahan

Ang Kapamilya Actress na si Liza Soberano ay kamakailan lamang na napasama sa “Most Beautiful Face in the World” na kung saan talagang ipinagdiriwang at ipinagmalaki ng mga Pilipino at mga kasamahan ng aktres sa industriya ng showbiz.



Hindi natin maitatanggi na ang angking ganda ni Liza ay talagang kahanga-hanga at deserving para sa titulo. Gayunpaman, bukod pa sa kanyang kagandahan, namana ito ng kanyang half-sister na mayroong kaaya-ayang itsura.



Si Kaycee Logan Nguyen ang nakababatang half-sister ng aktres na mayroong pisikal na anyo na kasing ganda ng mata at mukha ng kanyang ate.

 

Ang pagiging marikit na pagmumukha ng batang ito ay tinangkilik ng mga netizens sa kadahilanang ito ay talagang nakakahumaling. Sa katunayan, may iilan na mga fans na gumawa ng mga accounts sa social media para sa kanyang palago na fanbase.



Isa na lamang dito ay ang INSTAGRAM fan page account na “beautifulkayceenguyen” na nagpapakita ng mga nakakagalak na mga imahe ng nakababatang kapatid ni Liza.

Bukod kay Kaycee na half-sister ni Liza, may iba pa siyang mga kapatid na nagngangalang Dustin Nguyen, Jaden Nguyen, Justin Soberano, Leila Osorno, at Nathaniel Larry Osorno, na tulad ni Liza ay mayroon ding mga good looks.



Wala pang update tungkol sa interes ni Kaycee sa pagpasok ng Showbiz ngunit ang kanyang kagandahan ay makikitaan mo agad ng potensyal at malaking oportunidad na makapasok sa industriya.

Bukod sa pagiging maganda at gwapo ng bawat indibidwal, mas kaaya-aya at kalugod-lugod kung sila ay magtataglay din ng katangian na may kabaitan sa puso. At ito nga ang tinataglay ng pamilya ni Liza kasama ng kanyang mga kapatid.

Ano ang masasabi niyo tungkol sa Half-sister ni Liza Soberano? Para sa inyo, siya ba ay kasing-ganda din ng kanyang ate? Sang-ayun ba kayo na ang kanyang magandang itsura ay ang susi patungo sa kanyang pagsikat? Ibahagi niyo ang istoryang ito.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *