Ito ang mga Bagay na Maaari Mong Gawin Upang Labanan at Tanggalin ang Inyong Bad Breath

Talaga nga naman na ang mabahong hininga ay nakakabawas sa confidence o lakas ng loob ng tao. Ito ay sobrang nakakahiya lalo na kapag ang isang tao ay mayroong malapitang paguusap sa isa’t isa.

At mayroon ding mga sitwasyon na kapag tayo ay may kausap na mayroong mabahong hininga ay nahihiya tayong sabihin sa kanila sa kadahilanan na baka sila ay biglang maoffend.



Kaya naman magbibigay kami dito ng mga the best na solusyon at tips upang lunasan ang inyong problema sa inyong hininga:

1. Iwasan ang mga pagkain katulad ng sili, sibuyas, at bawang

Ang mga pagkain na ito ay nananatili sa ating bibig ng napakatagal na oras o mga twenty-four hours. Kahit sabihin natin na ikaw ay nagsipilyo na o nagmouthwash, talagang hindi maalis alis ang hindi kaaya-ayang amoy. Gayunpaman, maaari niyong subukan ang pagsipsip ng CALAMANSI upang mabawasan kahit unti ang amoy.

2. Iwasan ang paninigarilyo



Ang iyong bisyo sa paninigarilyo ay isa sa pinakadahilan kung bakit patuloy na nananatili ang mabahong hininga sa inyong bunganga. Ito ang dapat itigil.

3. Iwasan ang mga karne tulad ng longganisa, pepperoni, at salami

Ang pagkain ng mga spiced meats na ito ay naglalabas ng amoy galing sa bunganga kapag ikaw ay dumighay dahil sa nanatiling mantika na tumatagal sa katawan ng twenty-four hours.

4. Iwasan ang pagkain ng mga malalansang isda



May mga produkto na gawa sa isda tulad ng alamang o bagoong na matagal maalis ang amoy sa bunganga kapag ito ay kinain.

May mga mga bangus din na kapag ito’y kinain ay nagsasanhi ng hindi magandang amoy, mas mabuting piliin na lamang ang ibang uri ng isda.

5. Tanging tubig lamang ang inumin

Ang mga inumin tulad ng beer, whiskey at coffee ay kasama sa mga inumin na nagbibigay ng maamoy na bunganga. Ang mga residue o latak ng mga produkto na ito ay naiiwan sa ating bibig at sikmura dahil sa pag-inom ng mga ito.

6. Magmumog o mag-gargle ng mas madalas

Kung ikaw ay madalas na tinatamad na magsipilyo, ugaliing magmumog nang maraming tubig at madaming beses pagkatapos kumain ng inyong meal. Sa ganitong paraan mababawasan ang mga dumi sa inyong bibig.

7. Ugaliin ang regular na pagsisipilyo



Pagkatapos kumain sa inyong almusal, tanghalian, at hapunan, palaging tandaan na magsipilyo upang matanggal ang amoy at mga dumi na namahay sa inyong bibig.

8. Ugaliing gumamit ng dental floss

Ang mga tinga o plaque na sumingit sa mga pagitan ng inyong ngipin ay isa sa mga dahilan kung bakit ikaw ay nagkakaroon ng bad breath.

Kapag ito ay hindi naalis, ito ay mabubulok at magreresulta sa pangangamoy. Ugaliing magfloss kahit isang beses lamang tuwing gabi bago magtulog o magsipilyo.

9. Bumisita sa dentista upang ipatingin ang ngipin



Ang bad breath ay maaaring sanhi ng sirang ngipin o infection sa bibig at gilagid.

10. Isa sa pinakaimportanteng tip:

Ikaw ay maaaring bumili muna sa tindahan ng chewing gum na mint flavor upang panandaliang pawalain ang inyong mabahong hininga kung kinakailangan na talaga o ikaw ay nagmamadali sa iyong lakad.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *