Ito ang mga Rason Kung Bakit Ka Iniiwan o Ipinagpapalit ng Mahal Niyong Lalaki

Kailangan ng napakaraming baon na lakas ng loob bago pumasok sa isang relasyon. Kapag ang isang lalaki ay nahulog at umibig, isinasaalang-alang niya ang pagdurusa na maaaring dumating sa kanya mula sa taong iyon dahil bubuksan niya ang kanyang buong pagkatao para sa kanya.



Hindi niya agad nilulunod ang kanyang sarili sa isang tao, ang tanging kanyang ginagawa ay ang sumabay lang sa agos ng isang relasyon, dahan-dahan niyang inaangat ang kanyang nararamdaman para sa isang babae bago niya masabi na tunay at wagas na ang kanyang pag-ibig.

Karamihan sa mga babae ay komplikado kung mag-isip, paiba-iba ng desisyon, hindi mo alam kung ano ang kanilang tunay na gusto, at higit sa lahat gusto nila agad-agad sila nasusunod.

Kaya naman, ipapaalam namin sa inyo sa artikulong ito kung bakit kayo iniiwan ng mga lalaki:

1. Pilit mong binabago ang mga bagay-bagay sa kanya na hindi naaayon sa kanyang kagustuhan



Kapag ang mahal niyong lalaki ay nakaramdam na parang siya ay pilit mo na binabago, ang kanyang maiisip ay parang hindi pa sapat ang lahat ng meron siya para sayo.

Ang kanyang pakiramdam ay parang napakaraming mali sa kanya para iyong baguhin na hindi naaayon sa kanyang gusto. Dito na siya magsisimula na maghanap ng paraan upang makaalis sa relasyon.

2. Siya ay nababahala sa iyong tuloy-tuloy na tagumpay dahil sa pangambang hindi niya ito mapantayan

Para sa ibang mga kalalakihan, iniiwan nila ang kanilang partner sa kadahilanan na bumaba ang tingin nila sa kanilang pagkalalaki kapag nalalampasan ng kanyang partner ang kaniyang natamong tagumpay.

Bagama’t hindi naman niya iniisip na ito ay isang kompetisyon sa pagitan nilang dalawa. Ang naiisip niya ay hindi niya kaya samahan ang kanyang partner na babae tungo sa tagumpay dahil palagi niya ikinukumpara ang kanyang kabiguan.

3. Madalas siyang minumura o sinisigawan dahil sa mga mali na kanyang nagawa



Ang mga lalaki ay nagnanais ng isang partner na kung saan sila ay pinapahalagahan at iniingatan. Sa kasamaang palad, napakarami sa mga kalalakihan ang madalas nakakaranas ng paninigaw at pang-mumura mula sa kanilang mga kasintahan.

Kung patuloy niyo gagawin ito sa inyong boyfriend o asawa, malamang magdulot ito ng negatibong epekto para sa inyong relasyon.

4. Kakulangan ng pagpapakita ng lambing at paghanga

Ang mga lalaki ay naghahanap din ng tinatawag na intimacy mula sa kanilang kasintahan tulad ng kagustuhan din ng mga babae sa bagay na iyon.

Ngunit kung ang lalaki ay kinakailangan pang magmakaawa bago ito ibigay ng kanyang partner na babae, maaari siyang mawalan ng gana sa relasyon at hanapin ang bagay na iyon mula sa ibang babae.

Ang lalaki ay nahuhulog sa pag-ibig dahil sa napakaraming rason, ngunit kailangan niya din maramdaman na siya ang pinaka-kaakit-akit na nilalang para sa kanyang partner.



5. Inihahambing mo siya sa ibang lalaki

Wala nang bagay ang pinaka-nakakainis para sa isang lalaki kung siya ay ikukumpara sa nakaraan mong nakarelasyon. Kapag ang babae ay nagsimula na magkwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang ex at patuloy niyang ikinukumpara ito inyong kasalukuyan, dito na magsisimula ang katapusan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *