Ito ang 9 na Masamang Resulta ng Madalas na Kulang sa Tulog

Maraming indibidwal sa ating lipunan sa panahon ngayon na hindi nakakakuha ng sapat na oras ng tulog na kinakailangan para sa malusog na pangangatawan ng isang tao.

Napakarami sa kanila ay kumakayod ng napakalala at ang ilan naman ay nag-oovertime upang mapunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya dahil na din sa hirap ng buhay.



Samantala, may iba naman na hindi nakakakuha ng sapat na oras ng tulog sa kadahilanang sila ay nahuhumaling sa mga gadgets tulad ng laptop, mobile phone, telebisyon, at kung anu-ano pang kasangkapan na maaaring makaapekto upang ikaw ay mapuyat ng husto. May iba naman na mayroong problema o karamdaman pagdating sa kanilang pagtulog.

Ang hindi sapat na bilang ng oras ng pagtulog ay nakatuon mula 4 na oras hanggang 6 na oras. Tandaan: ito ay hindi sapat na haba ng pahinga sa buong magdamag at maaaring magresulta sa problema sa iyong kalusugan. Maaari din itong maapektuhan ang paggana ng iyong katawan at utak kung ito ay magpapatuloy.

Narito ang ilan sa mga maaaring maging epekto ng kakulangan sa pagtulog:



1. Mas mapapabilis ang pagtanda ng iyong itsura.

Ang mga tao na laging kulang sa tulog ay mayroong malaking chance na masira o maapektuhan ang kanilang balat. Magmumukha kang matamlay at mas lalaki ang eyebags.

2. Pagkasira ng memorya o nagiging malimutin

Ayon sa mga American at French na mananaliksik, ang utak daw nating mga tao ay mayroong aktibidad na tinatawag na “sharp wave ripples.” Ito ay responsable sa pagpapatibay at pag-iipon ng memorya.

Ang ripples na tinatawag ay pinapasa ang mga natutunang kaalaman na nanggaling sa hippocampus patungo sa neocortex. Ang parte ng utak na ito ay isa sa mga responsable upang mapanatili ang mga long-term memories ng tao.



3. Nakakaapekto ito upang mas dumagdag ang iyong timbang

May mga lumang kasabihan na kapag ikaw ay palaging mayroong kompletong tulog noong ikaw ay bata pa lang mataas ang tiyansa na ikaw ay mas tatangkad.

Tulad na lamang sa ating timbang, kung ikaw ay laging kulang sa pagtulog mataas ang tiyansa na ikaw ay mas lalong maging underweight kung ikaw ay payat talaga at mas lalong tumaba naman kung ikaw ay kasalukuyang mataba at laging kulang sa pahinga. Nagiging hindi normal ang timbang ng tao kung pinapanatili ang ganitong lifestyle.

4. Mas malapit sa mga aksidente

Kapag ika’y kulang sa tulog, ikaw ay siguradong mas dadalawin ng antok na maaaring magresulta ng mga hindi inaasahang aksidente dahil ikaw ay pokus sa iyong mga ginagawa tulad ng pagmamaneho o sa iyong trabaho.



5. Ikaw ay nagiging bobo o hindi alerto sa klase

Kung ikaw ay nag-aasam ng mataas na marka, ang isa sa pinakakailangan mo ay sapat na tulog. Isang bagay na sigurado kung ikaw ay kompleto sa tulog, ang iyong utak ay mas gagana ng wasto at maayos na magbibigay sayo ng mas produktibong sistema upang mas maging magaling sa klase.

6. Mga problema sa kalusugan

Ang kakulangan sa pagtulog ay maaaring humantong sa mga malulubhang sak!t tulad ng str0ke, ^take sa puso, mataas na pressure ng dugo, at irregular heartbeat.

7. Pinapatay nito ang iyong gana sa pakikipagibigan sa higaan



Ayon sa mga eksperto, ang kakulangan sa tulog ay pinapababa ang inyong libido na nagbabawas ng iyong interes sa pakikipagt alik.

8. Depresyon

Ito ay karaniwan na nararanasan ng karamihan sa mga indibidwal sa panahon ngayon. Ito ay isang mental health disorder na kung saan napakahirap labanan. Kaya naman kung ikaw ay dumaranas ng d3pr3ssion mas makakabuti na iwasan ang kakulangan sa pagtulog.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *