Sila ang mga Sikat na Batang Artista na Bumili ng Luxury Cars

Sa industriya kung saan nagbibigay aliw sa mga tao sa pamamagitan ng pag-arte at pagpapalabas ng kanilang talento, asahan natin na marami sa mga aktor at aktres na ito ay naguumapaw ang mga biyayang natatanggap.

Kung kaya karaniwan na lamang na makikita natin ang ilan sa kanila na nakakabili ng mga mamahaling ari-arian o kagamitan para sa kanilang sarili. Halimbawa na lamang nito ay ang mga bags, makeups, damit, bahay, at kotse na ang halaga’y nakakalula.

Sa laki ng halaga na kanilang kinikita sa industriya ng showbiz, kayang kaya nila gumastos ng daan-daang libong piso at kahit milyong piso para sa isang kotse.

Narito ang ilan sa mga pinoy celebrities na nagmamay-ari ng luxury cars dito sa Pilipinas:



1. Ruru Madrid at ang kanyang Jac Sunray Deluxe Van

Si Ruru Madrid ay gumastos ng nagkakahalagang Php 2.2 million na VAN na kung saan ito ay kanyang pinangalanan na ‘Baby’ na kung iyong pagmamasdan ay tila isang ‘beast’. Ito ay kanyang binili noong 2015 lamang.

2. Barbie Forteza at ang kanyang TOYOTA FORTUNER



Kamakailan lamang noong November 2016, si Barbie Forteza ay bumili ng Toyota Fortuner 4×2 Manual Transmission na umaabot sa halagang 1.3 milyong piso. Ito ay tinuturing niya na isa sa kanyang mga investment.

Ayon sa aktres, noong siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz, siya kasama ng kanyang ina ay bumabyahe galing sa kanilang tahanan sa Laguna patungo sa kanyang taping site sa pamamagitan ng pagcocommute.

3. Liza Soberano at ang kanyang Starex VAN

Ang aktres na si Liza Soberano ay nagmamay-ari ng tatlong kotse at ang isa rito ay ang Starex Van na mayroong tailored interiors na gawa ng ‘Atoy Customs,’ isang interior designer ng mga sasakyan.

4. Ronnie Alonte at ang kanyang TOYOTA 86



Kamakailan lamang, ang aktor na si Ronnie Alonte ay bumili ng pulang Toyota 86, gayunpaman, ang sasakyang ito na kanyang pag-mamay-ari ay diumano pinalitan na ng pintura at ito ay naging itim na ayon sa isang netizen. Ang halaga ng sasakyang ito na isa sa pinakabagong model ay 1.89 milyong piso.

5. Ella Cruz at ang kanyang Jeep Wrangler

Si Ella ay bumili ng Jeep Wrangler nito lamang 2016 na nagkakahalaga ng 2 milyong piso sa online. Ngunit nito lamang 2017, napabalita na gusto na ni Ella na ibenta ang sasakyang ito.

6. Daniel Padilla at ang kanyang mga mamahaling sasakyan

Ang Kapamilya Teen King na si Daniel Padilla ay nagmamay-ari ng magagarang sasakyan at patuloy na nangongolekta, isa na lamang dito ay ang Dodge challenger at Mercedes Benz na sasakyan.

Kamakailan lamang siya naman ay nakitang nagmamaneho ng isang Chevrolet Corvette na nagkakahalaga ng 9 milyong piso. Isa lamang ito sa patunay na sobrang matagumpay na talaga ang aktor na ito sa kanyang larangan.

7. Maine Mendoza at ang kanyang Hyundai Grand Starex Limousine



Si Maine Mendoza ay bumili ng bagong sasakyan noong 2016, isang napakagandang Hyundai Grand Starex Limousine na talagang nakakalula din ang presyo.

8. Kathryn Bernardo at ang kanyang Lexus at Van



Kapamilya Teen Queen Kathryn Bernardo ay napabalitang umamin na natuto na siya magmaneho ng sasakyan gamit ang kanyang Lexus na nagkakahalaga ng 2.7 milyong piso. Mayroon din siyang customized na Van na gawa ang interior ng Atoy Customs.

9. Khalil Ramos at ang kanyang BMW

Si Khalil Ramos ay nagmamay-ari ng magarang sasakyan na nagkakahalagang 3 milyong piso na BMW Collection 3 e-90.

10. Nadine Lustre at ang kanyang wrangler

Nadine Lustre kasama ng kanyang Topless Jeep Wrangler ay isa lamang sa mga napundar ni Nadine Lustre galing sa kanyang pagsusumikap.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *