Nakuha na ng Pangalawang Winner Mula Sa Albay ang Kalahati ng 1.18 Bilyong Piso na Premyo Sa Lotto

Ang litrato sa taas ay pinapakita ang pag-abot ng 470 milyong piso ni PCSO General Manager Alexander Balutan kay PCSO Deputy Spokesperson Florante Solmerin. Samantala, ang may-ari naman ng premyong napanalunan ay nasa likod ng Banner upang itago ang kanyang pagkakakilanlan para na din sa kanyang seguridad.

Isang contractual nurse ang nanginginig sa nerbyos habang kinukuha ang kanyang napanalunang jackpot prize sa Lotto. Siya ay nagmula sa probinsya ng Albay na nagclaim ng kalahati ng Php1.18 billion sa kadahilanang dalawa ang winner.



Ayon sa PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, ang kalahati ng jackpot prize ay kinuha nito lamang martes.

Ang lotto winner ay isang tatlumpu’t tatlong gulang at siya ay sinamahan ng kanyang dalawang kamag-anak na kunin ang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City, ito ay ayon sa PCSO spokesperson na si Florante, Solmerin.

Habang papasok ng PCSO main office, mapapansin sa ating lotto winner na nababalot siya ng nerbyos at kinailangan na pakalmahin o ikampante tungkol sa kanyang seguridad bago ibahagi ang kanyang pagkakakilanlan, banggit ni Solmerin sa isang phone interview.

Ayon sa PCSO, ang bagong milyonaryo ay may asawa na ngunit wala pang mga anak at kasalukuyang sinusuportahan ang kanyang mga magulang. Ang kanyang propesyon ay nurse at ang kanyang ticket naman ay nabili sa isang mall sa Legazpi City.



Lumipas ang isang linggo bago niya makuha ang kanyang premyo sa kadahilanang kailangan niya muna ayusin ang mga pangpersonal na bagay at schedule, ito ang nabanggit ni Solmerin.

Ang maswerteng mananaya sa Lotto ay kasalukuyang nag-iisip at nagpaplano pa din kung paano niya gagastusin ang 470 milyong piso. Ayon kay Solmerin, “parang nasa Cloud 9 pa siya.”

Pinayuhan siya ng PCSO Officials na iinvest ang kanyang napanalunang pera sa kanyang seguridad, kunin ang serbisyo ng mga eksperto upang pangasiwaan ang kanyang gastusin, iwasan ang mga bisyo, at maglaan ng halaga sa mga charity works.

Ang 1.18 bilyong piso (Highest Prize in the PCSO History) ay naiuwi ng dalawang maswerteng indibidwal noong October 14. Ang isa namang nanalo ay nagmula sa probinsya ng Borongan, Samar na kung saan na-claim ang pera noong nakaraang linggo.

Article Source: news.abs-cbn
Image Source: Mandirigma sa Kawanggawa via PCSO’s Facebook page 





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *