Silipin ang mga Mansion, Magagarang Sasakyan, at Helicopter ni Manny Pacquiao na Bunga ng Lahat ng Kanyang Paghihirap

Alam nating lahat na si Manny Pacquiao ay nagmula sa paghihirap at nagtagumpay sa buhay dahil sa kanyang dedikasyon at talento sa kanyang larangan na Boxing. Ang kanyang istorya ay nagsilbing inspirasyon para sa lahat ng mga Pilipino at kahit ng mga banyaga na siya’y kilala o iniidolo.



Sa mahigit isang dekada niyang nakikipaglaban sa Boxing, ang ating Pambansang Kamao ay madami nang pinasok na propesyon upang pagsilbihan ang sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng pag-upo niya sa pwesto sa pagiging Kongresista at ngayo’y kasalukuyang nasa senado.



Ang pagiging isang tunay na mayaman ay hindi makokompleto kung ikaw ay hindi tutulong sa mga indibidwal na mas nangangailangan ng tulong o kapos sa buhay.

Ang kayamanan ni Manny ay laging bukas para sa mga Pilipino na higit na mas nangangailangan. Gayunpaman, sa oras na ito, inyong matutunghayan ang mga ari-arian ni Manny Pacquiao na sigurado na inyong hahangaan.

Ito ang ilan sa mga sasakyan na pag-aari ng ating Pambansang Kamao:



1. Isang Mitsubishi Grandis na nagkakahalaga ng $10,890 hanggang $14,960 o 580,000 pesos hanggan 850,000 pesos.

2. Isang Sleek Chevrolet Suburban na sasakyan perpekto para sa kanyang mga ganap bilang isang Pulitiko.

3. Isang napakaganda at magarang Ferrari 458 Italia. Ayon sa mga ulat mula sa iba’t ibang source, si Manny Pacquiao ay isa sa mga sikat na celebrities na nagmamay-ari ng ganitong klase ng sasakyan sa buong mundo.



4. Isang Black mercedes SL550 na siguradong napakasarap imaneho.

5. Isang Hummer H2 na kung pagmamasdan ay lalaking-lalaki ang porma.

6. Isang private Helicopter na talagang papangangahin ka sa hanga at ayon sa reports, ito ay regalo ni Manny sa kanyang sarili matapos ang lahat ng paghihirap at tagumpay.



Bukod sa mga magagarang sasakyan, ang ating Pambansang Kamao ay naging mas matalino at madiskarte dahil naglaan din siya sa mga negosyo at ari-arian na bahay at lupa. Mga mansion na tila bagay na bagay para sa kanya bilang isang hari.

1. Ang isang sa pinakakilala sa publiko na ari-arian ng pamilya ni Pacquiao ay ang kanilang mansion sa Forbes Park.

2. Si Manny ay nag-invest ng ari-arian na bahay at lupa hindi lamang dito sa ating bansa. Siya ay bumili rin ng Mansion sa Beverly Hills na ayon sa mga reports, ito ay nagkakahalaga ng $12.5 milyong piso.

3. Syempre, ang listahan ng ari-arian ng isang milyonaryo at makapangyarihan na tao ay hindi makokompleto kung wala ang mga tinatawag na beach house. Si Manny ay nagmamay-ari ng dalawang magkahiwalay na beach house sa lalawigan ng Sarangani at sa isla ng Boracay.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *