Siya Pala ang Kaisa-isang Anak ni Robin Padilla na Tila Mas Gwapo Pa sa Kanyang Ama

Ang industriya ng showbiz ay napupuno ng mga aktor at aktres na minamana nila ang talento ng kanilang mga ama o ina kung kaya tuloy-tuloy ang pagdaloy ng henerasyon ng mga artista na talagang popular na sa industriya.

May iilan na mga Pamilya ng Celebrity na nananatili sa show business sa loob ng napakaraming taon na at ang ilan sa mga ito’y talagang nag-iiwan ng pamanang talento para sa mga susunod na henerasyon ng kanilang lumalaking pamilya.



Depende na lamang sa bata kung itutuloy nila ang nasimulan ng nakakatanda nakakatanda na kanilang kadugo. Isa na lamang sa mga halimbawa ay ang Pamilya ng Guttierrez na kung saan kilalang kilala sina Eddie, Annabelle, Ruffa, Richard, at Raymond.

Nariyan din ang magkakapatid na Barretto na sina Claudine, Marjorie, at Gretchen. Ngayon, panibagong henerasyon ng Barretto ang namamayagpag sa showbiz, ito ay si Julia at Claudia na mga anak ni Marjorie at Dennis Padilla.

Ang isa pa sa mga sikat na sikat na celebrity families na nananatili sa showbiz ng napakatagal nang panahon ay ang mga Padilla.

Ang magkakapatid na Padilla na sina Robin, Royette, Rommel, at ang usap-usapan na si BB Gandang-hari o si Rustom Padilla.

Ngayo’y may may mga panibagong henerasyon ng dugo Padilla ang humahalili sa kaaya-ayang pisikal na anyo at talento ng kanilang pinanggalingan na pangalan lokal man o internasyunal.



Ang ilan sa mga bagong henerasyon ng Padilla ay sina Bela, aktres at screenwriter, pamangkin ni Robin. Ang aktor na sina Mark Anthony Fernandez at ang kanyang anak na si Grae. At isa sa pinakatanyag ngayon sa showbiz na si Kapamilya Teen King Daniel Padilla.

Ang tinagurian na BadBoy of Philippine Cinema na si Robin Padilla ay isa sa pinakakilala at pinakamaimpluwensya na tao sa showbiz mula noon hanggang ngayon. Bago pa man tayo magkaroon ng Daniel, mayroong isang Robin na talagang hinangaan ng sambayanang Pilipino.

Si Robin Padilla ay kabilang sa pitong magkakapatid na Padilla. Siya ay nakilala sa showbiz dahil sa kanyang maaaksyon na palabas na kung saan siya din mismo ang gumagawa ng mga stunts ng kanyang karakter.

Si Robin o Binoy na kung siya’y tawagin ng mga taong malalapit sa kanya ay gumawa din ng mga pelikulang pumalo sa takilya na kung saan kanyang naging leading lady sina Sharon Cuneta, Vina Morales, Kris Aquino, at Judy Ann Santos.



Bukod sa pagiging isang sikat na aktor ng industriya, si Robin ay isang ulirang ama sa kanyang mga anak. Siya ay mayroong apat na anak sa kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco, ito ay sina Quennie, Kylie, Zhen-zhen, at ang kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Ali.

Si Camille na anak niya kay Leah Orosa at ang pinakabata sa lahat na si Maria Isabella, na anak niya sa kanyang kasalukuyan na asawa na si Mariel Rodriguez.

Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa kumunidad ng online ang kaisa-isang anak na lalaki ni Robin dahil sa taglay nitong kagwapuhan

Ito ay si Ali, kasalukuyan, siya ay napakalaki na at talagang ubod ng gwapo tulad ng kanyang ama. Si Ali ay naninirahan sa Australia kasama ng kanya ina na si Liezl.



Ayon sa mga netizens, si Ali ay may hawig din sa kanyang pinsan na si Daniel Padilla dahil sa nakakapang-akit na mata at Bad Boy aura diumano nito.

Kahit na siya ay nasa Australia, ibinunyag ni Ali na siya ay interesado din sa pagsabak sa showbiz kasama ng kanyang babaeng kapatid at mga pinsan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *