Ito ang Nakakamangha na White Mansion ni Jackie Chan na Nagkakahalaga lang Naman ng Halos 600 Milyong Piso

Ang beteranong aktor ng Hollywood na si Jackie Chan ay bihasa at kilala sa kanyang mga kakaibang istilo sa pakikipaglaban na kanyang ipinapakita sa kanyang mga pelikula.

Nagpamalas at inaliw ang milyon-milyong fans sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang talento sa mahigit 150 na pelikula.

Si Jackie Chan ay isang tunay na icon ng kultura at pilantropo na ipinagmamalaki at minamahal ng mga taga HongKong dahil isa siya sa pinakamagaling na Artista sa buong mundo.



Madaming tiniis at pinagdaanan ang aktor na si Jackie bago niya maabot ang kung anong meron siya ngayon. Sa loob ng napakaraming taon na siya ay nasa industriya, pinatunayan niya na ang susi para sa tagumpay ay sipag, tiyaga, at pagtitiis sa kabila ng ilang beses na pagkadapa o pagkasugat.

Dulot ng lahat ng kanyang tagumpay, si Chan ay nakapagpundar ng napakaraming ari-arian, isa na dito ang napakagandang bahay na hango sa mga French Villas na nakatayo sa Beverly hills hilaga ng Sunset Boulevard.

Ayon sa LA TIMES, ang ari-arian na ito ay nabili ng aktor noong 1998 at naibenta ito pagkaraan ng walong taon.



Itinayo noong 1986 na sa ngayo’y nagkakahalaga na ng $12.25 million o 612,500,000 milyong peso. Nakatayo sa 30,000 square feet na lupain at nasa mahigit-kumulang 7,600 square feet na living space.

Bago makapasok sa mansion na ito, dadaan ka muna sa dobleng malalaking bakal na gate patungo sa malaking motor court na may nakalagay na fountain at kamangha-mangha na harapan na bakuran na may kasamang lumiligid na artipisyal na damuhan.



Ang magarang tahanan na ito ay may kasamang dalawang palapag na formal entry, nakakamanghang living room, eleganteng silid-kainan, family room na may mga kasangkapan na gawang kahoy at step-down bar, napakagandang kusina na may kasamang center island at breakfast room.



Ang pangalawang palapag ng bahay ay naglalaman ng sitting room na may kasamang Bar na sinasamahan ng pambihirang master suite na mas pinaganda pa ng fireplace, private sitting room, walk-in closets, at marangya na marmol na paliguan.

Ang bakuran na mayroong halos 3/4 acre na lawak ay naglalaman ng cabana na may built-in na barbeque, ang outdoor dining area at nakakamanghang swimming pool na may kasamang spa at waterfall na disenyo.



Ang malawak na bakuran sa likuran ng bahay ay aalukin ka ng payapang tagpuan na may mga landscape na halamanan. Kasama dito ang malawak na espasyo na tila entablado.

Si Mr. Chan ay tunay ngang isa sa pinakamatagumpay na aktor sa buong mundo, bukod pa rito, siya ay isang magaling na direktor, stuntman, producer kung kaya walang kaduda-duda na nakamit niya ang mga ganitong klase ng pag-aari. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng labis na pagpupursige sa buhay.

Sa likod ng kamera, si Jackie Chan ay nauugnay sa isang pagiging pilantropo na tumutulong din sa mga pinansyal na pangangailangan ng mga paaralan at unibersidad sa buong mundo.

Siya miyembro ng UNICEF at may katungkulan bilang Goodwill Ambassador na nakatutok sa kampanya laban sa pang-aabuso sa mga hayop at polusyon.

Pumasok ba sa iyong isipan o minsa’y inyong pinangarap na manirahan sa ganitong klase ng tahanan?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *