Isang Seaman Ang Naglabas Ng Kanyang Sama Ng Loob Sa Social Media Matapos Malaman na Nabuntis Ng Ibang Lalaki Ang Kanyang Kasintahan Habang Siya ay Nasa Barko

Ang bawat trabaho natin ay may kanya-kanyang sakripisyo at hirap na dapat pagdaanan pero isa na siguro sa pinakamahirap na trabaho sa lahat ay ang pagiging seaman.



Bilang isang seaman, kinakailangan mong malayo sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay at halos gawin mo ng iyong tahanan ang barko para lang kumita ng pera.

Ang propesiyon ding ito ay mahirap para sa mga magkasintahan dahil ang LDR o “Long Distance Relationship” ay mahirap magtagal lalo na sa panahon ngayon.

Isang post sa facebook ang kumalat dahil marami ang nakaunawa sa pinagdadaanan ng lalaki na nagpost ng isang screenshot ng usapan nila ng kanyang kasintahan. Ang lalaking ito ay si Kien Morales Cartagena, isang seaman.

Mababasa sa kanyang post ang message sa kanya ng babaeng kasintahan na siya nga raw ay buntis sa ibang lalaki at nakikiusap na huwag ng makipag-usap si Kien sa kanyang bagong boyfriend para makaiwas na din daw sa gulo.



Nasaktan si Kien sa nabasa niya at naglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng pagpost nito sa social media at balak niya sanang i-tag ang kanyang ex-girlfriend sa kanyang post ngunit naka-blocked na siya dito.

Sinabi pa ni Kien na habang siya ay nagpapakahirap magtrabaho bilang isang seaman para sa kanilang kinabukasan, ang kanyang girlfriend naman ay nagpapatrabaho sa iba kaya nabuntis ito.

Marami ang nag komento sa post na ginawa ni Kien at galit sila sa ginawa ng babae dahil hindi ito naging tapat sa kanyang kasintahan.

Ito ang naging post ni Kien sa social media:



Samantalang ang iba naman ay nagsabing mag-move on nalang si Kien at mas mainam na nalaman niya ng mas maaga na hindi niya pala dapat pagkatiwalaan ang babae kesa nangyari ito habang sila ay kasal na.

Isa sa mga naging kasabihan ng ating kultura ay kapag seaman ay manloloko hanggang sa magkaroon na nga ng salitang “semanloloko”.

Marahil ito ay nangyari noong unang panahon ngunit mukhang nag-iiba na ang ihip ng panahon ngayon at mga lalaki na nagiging matino habang karamihan sa mga babae ay nagloloko.

Hindi maganda ang pangloloko at may kapalit itong kaparusahan ngunit hindi naman natin maaring husgahan agad ang babae dahil hindi natin alam ang kanyang pinagdadaanan bakit niya nagawa ang bagay na ‘yun sa kanyang kasintahan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *