Ito Pala ang Kanilang mga Itsura Noong mga Panahon na Sila ay may Buhok Pa

Babae man o lalake, lahat sila’y nagnanais ng malusog at makapal na buhok dahil isa ito sa nagbibigay ng karagdagang ayos sa pisikal na anyo. Ang iilan sa kanila ay gumagastos ng husto upang mas mapaganda ang kanilang buhok.

Ngunit may iilan naman na sa kasamaang palad lalong lalo na sa mga kalalakihan, ang walang lunas sa kanilang unti-unting pagkakalbo habang silay ay tumatanda dahil na din sa ilang mga kadahilanan tulad ng genes at edad.



Ang baldness o hair loss ay tinatawag din sa siyensya bilang “ALOPECIA.” Ito kondisyong medikal na kung saan ang isang tao ay unti-unting napapanot o nawawalan ng buhok na kadalasan sa parte ng ulo.

Gayunpaman, inyong mababasa sa artikulo na ito ang listahan ng mga sikat na artista kasama ang kanilang mga litrato noong sila ay mayroon pang buhok:

1. Jaime Fabregas

Si Jaime Fabregas ay isang batikan na aktor na kasalukuyang gumaganap bilang lolo ni Coco Martin sa pang-gabing teleserye na ‘Ang Probinsyano’.

Noon pa man ay makikita na ng karamihan sa atin na siya ay kalbo at napakahirap para sa atin na isipin kapag siya ay mayroong buhok noong mga panahon ng kanyang kabataan.



2. Mikey Bustos

Si Mikey Bustos ay isang sikat na Youtuber, at mas naging kilala dahil sa kanyang mga parody songs tungkol sa Pilipinas. Mayroon siyang video na kung saan iniba niya ang liriko ng kantang Despacito at ang music video nito. Kung ating mapapansin si Mikey Bustos ay talagang wala na ngang buhok.

3. Robert Jaworski



Kahit sinong Basketball fans dito sa ating bansa ay siguradong kilala ang maalamat na manlalarong si Robert Jaworski. Siya ay kilala dahil sa kanyang nakakabilib na mga galaw at kahanga-hangang talento pagdating sa basketball.

Ngunit noong mga panahon na siya ay patuloy na nagiging tanyag sa paglalaro, kasabay nito ang pagkalagas at unti-unting pagkaubos ng kanyang buhok.

4. Ryan Eigenmann

Ang pamilyang Mesa-Gil ay isa sa pinakasikat na pamilya sa mundo ng showbiz dahil na din karamihan sa miyembro ng pamilya nila ay puro magagaling na mga artista at talagang talentado.

Gayunpaman, ang napamana ng pamilyang ito kay Ryan Eigenmann ay hindi mapapagkaila na ang tinatawag na hair loss ngunit hindi ito naging hadlang upang mas maging matagumpay si Ryan sa showbiz dahil bagay na bagay naman sa kanya ang ganitong itsura.

5. Bearwin Meily



Si Bearwin Meily ay kilala sa kanyang tatak na madalas niyang ekspresyon na ‘Yahoo! Yahoo! pagdating sa pag-aarte at komediya. Siya nagpakalbo ngunit ang kanyang talento ay nanatili sa kanyang pagkatao.

6. Benjie Paras

Kung ating mapapansin, karamihan sa mga basketbolista ay mga kalbo. Tulad na lamang ni Benjie Paras na isa alamat ng Philippine Basketball. Siya ay kilala bilang isang aktor na magaling sa pagpapatawa ng mga madla at sa kanyang pagiging kalbo.

7. Yeng Guiao



Si Yeng Guiao ay mayroong 7 titulo bilang Kampeon sa PBA bilang isang head coach. Siya ay tanyag dahil sa kanyang kakayahan na magbigay ng wisdom at pamahalaan ng mabuti ang kanyang koponan. Siya ay isa ding kalbo, ngunit bagay din pala kay coach ang mayroong buhok.

8. Ronald “Bato” Dela Rosa

Siya ay former PNP chief na talagang desidido na sugpuin ang kriminalidad at masasamang loob sa ating bansa. Gayunpaman, ang paghahanap sa mga kriminal ay talagang nakakastress ngunit si General Bato ay wala nang dapat alalahanin sa pagkakalbo dulot ng stress.

9. Derek Ramsay



Ang pagiging kalbo ni Derek Ramsay ay hindi naging hadlang upang siya’y maging isang matagumpay na aktor. Dahil kahit ganito ang kanyang buhok, pinatunayan ni Derek na ang importante ay ang husay mo sa pag-arte kasama ang magandang pangangatawan.

10. Bembol Roco

Si Bembol Roco ay isang talentado at award-winning na aktor na gumaganap na kontra-bida sa mga pelikula at TV shows. Hindi natin maitatanggi na siya ang isa sa pinakamahusay na kontrabida na makikilala mo sa Philippine showbiz.

11. Boy Abunda

Mapamatanda o mapabata, kahit sino ay kilalang kilala si Tito Boy at ang kanyang hairless na ulo. Si Tito Boy ay may kakayahang pabilibin ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang husay sa pag-hohost at pag-interview.

12. Benigno ‘PNoy’ Aquino III

Siya ay ang ating dating Presidente ng Bansang Pilipinas. Ang mga tao ay kadalasang napapansin ang kanyang buhok na unti-unting numinipis.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *