Silipin Dito Kung Gaano Kalinis ang mga Kanal sa Japan, Isang Patunay na rin ang Pamamahay ng mga Koi Fish Rito

Kapag sinabing kanal, ang pinakaunang papasok sa ating isipan ay madumi ito dahil dito pinapadaan ang mga basura o di kaya naman ay dumi na galing sa mga establisyemento at mga pabrika.



Kaya naman ang gobyerno natin dito sa Pilipinas ay sinisikap ang kanilang makakaya para linisin lahat ng kanal at estero upang hindi ito makadagdag sa dumi ng paligid at upang makaiwas na din sa mga sakit na maaring maidulot nito sa mga mamamayan.

Sa Japan naman, ang kanilang mga kanal ay napapanatili nilang malinis at dito na nga nakatira ang mga makukulay na isdang tinatawag nilang ‘Koi Fish’ na kilalang-kilala sa kanilang bansa.

Ang mga isdang ito ay makikita mo sa gilid ng mga pasilyo o daan na may kanal sa gilid. Nakakadagdag din ang makukulay na isdang ito sa ganda ng paligid at nakakatulong pantanggal ng stress sa mga taong dumadaan dahil para silang sumasayaw habang lumalangoy.

Sinisikap ng Japan na magkaroon ng pagkakatugma (harmony) ang mga tao at mga hayop. Kung nagawa ng Japan ang paglilinis ng kanilang kanal, ang mga Pinoy naman ay hindi papatalo pagdating sa pag-gawa ng mga nakakatawang bagay sa mga nangyayari sa kanilang paligid.



Kung ang Japan daw ay mga naninirahang isda sa kanilang mga kanal, hindi daw papatalo ang Pilipinas dahil meron din daw hayop na nakatira sa ating mga kanal at ito ay mga daga at ipis.

Hindi man sila kasing tingkad ng kulay kagaya ng ‘Koi Fish’, kahit papano ay may pagkakatugma (harmony) ang mga tao at hayop dito sa Pilipinas.

Ginawa man itong biro ng ilan sa ating mga kababayan, nawa ay magsilbing halimbawa ang bansang Japan sa atin upang mapanatili nating malinis ang ating mga kanal.

Kung lahat tayo ay magkakaisa na linisin ang kanal na nasa gilid ng ating mga tahanan, malaking tulong na ito para sa ating bansa. Hindi na natin kailangan pang antayin ang pag-aksyon ng gobyerno patungkol sa bagay na ito. Tayo man ay maaring mag-umpisa ng baguhin an gating kapaligiran at gawin itong kaaya-aya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *