Siya ang Tinaguriang ‘Living Barbie Doll’ ng UK Ngunit Sa Kabila ng Kanyang Kagandahan, Marami ang may Ayaw sa Kanyang Pagkatao

Ang pang-aapi ng kapwa ay naging laganap na sa ating lipunan. Kahit na mga malilit na bata ay nakakaranas nito samantalang ang iba naman ay ginagawa itong libangan.



Madalas mangyari ang pang-aapi kapag kakaiba ang iyong panlabas na anyo o di kaya naman ay hindi ka pinalad na maging mayaman.

Isang napakagandang babae ang hindi nakalagpas na makaranas ng pang-aapi ng kanyang kapwa. Siya ay si Hannah Gregory is a 22 taong gulang.

Nagtatrabaho bilang isang modelo at tinagurian ding “Living Barbie Doll” ng bansang Britanya. Sa kabila ng kanyang magandang kaanyuan, marami parin ang ayaw sa kanya at inaapi siya dahil sa kanyang mukha.



Ayon pa kay Hannah, nagiging hadlang din daw ang kanyang panlabas na kaanyuan upang hindi siya makahanap ng taong totoong magmamahal sa kanya.

“Maraming lalaki ang kumakausap sa akin pero natutuwa lang sila sa mukha ko at hindi sa pagkatao ko”. Kahit daw pamilya ni Hannah ay ayaw siyang makasama sa pa mamasyal sa labas.

Marami man ang natutuwa sa kanyang anyo pakiramdam ni Hannah ay mayroon pading kulang sa kanyang pagkatao.”Natutuwa ako na tinatawag nila akong Barbie kapag nakikita nila akong naglalakad sa labas ng bahay.” sabi ni Hannah.

Natutuwa din siyang gayahin ang mga damit na sinusuot ng isang Barbie Doll. Ito daw talaga ang kanyang personalidad. Hindi man siya tanggap ng kanyang pamilya ay patuloy padin sa buhay si Hannah.



Umaasa siya na balang araw ay matatagpuan niya din ang isang tao na pupuno sa kanyang pagkatao.

Noong buwan ng Agosto taong 2016, nakita ni Hannah ang isang lalaki na tinagurian naman nilang “real life Ken”. Mukha din siyang isang manika.

Minahal ni Ken si Hannah at ipinakita niya sa buong mundo ang pagmamahal na ito. Naging maganda ang kanilang pagsasama dahil parehas sila ng gusto sa buhay.

Ikaw ano ang masasabi mo sa naging kwento ng buhay ni Hannah?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *