Umiiyak ang Dalagang Ito Buong Magdamag Dahil Kakahiwalay Lamang nila ng Kanyang Kasintahan, Naririnig ito ng Kanyang Ina Kung Kaya’t Siya ay Binigyan ng 2,000 Pesos

Isang babae ang naging trending sa social media dahil sa kakaibang nangyari sa kanya matapos ang pag-iyak magdamag. Siya ay si Maria Florine Vergara Pressman na hiniwalayan ng kanyang kasintahan.



Ayon sa kanyang viral post sa Facebook gamit ang kanyang account, labis siyang nasaktan sa nangyaring paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan kaya naman ganun na lamang ang kanyang pag-iyak noong gabing iyon.

Nagulat siya ng pagising niya ay may nakita siyang sulat sa kanilang refrigerator at may kasamang dalawang libong piso. “Igala mo yan!”, ang mga salitang nakalagay sa sulat.

Nang makita ito ni Pressman napangiti siya at natuwa sa ginawa ng ina. Kaya naman hindi niya napigilang ibahagi ang kanyang nararamdaman sa social media.

“Siguro narinig ako ni mama na umiiyak kagabi, alam kong gusto niyang magalit kasi ito na naman ako nagpapakatanga sa lalaki. Pero noong nakita ko ang dalawang libo at sulat ni mama pag-gising ko, parang gusto ko ulit masaktan at umiyak. L. O. L. Pero ayun nga gusto na nga ata ni mama na tumanda akong dalaga eh, Haha thank you! “, ilan sa mga salitang sinabi ni Pressman sa kanyang social media post.



Maraming netizens ang nakakita at nagshare ng viral post na ito. Karamihan sa kanila ay natuwa sa nangyari kay Pressman at sinabing sana ganun din ang Ina nila. Kahit sinong anak na dumaranas ng sakit dulot ng pagiging heartbroken ay kailangan ng pag-aalaga at atensyon dahil maaaring humantong ito sa hindi mabuting resulta.

Samantalang ang iba naman ay hindi natuwa. Hindi nila nagustuhan ang ginawa ng ina na pagbibigay ng pera sa kanyang anak sa ganoong paraan.

Dahil hindi daw dapat ganoon ang pagdidisiplina sa mga bata. Ang iba naman ay pinuri ang Ina ni Pressman dahil sa ginawa nito para kahit papano ay mapangiti ang kanyang anak na malungkot.

Ano inyong palagay? Sa tingin niyo ba makakatulong ang dalawang libing piso para maibsan ang sakit na inyong nararamdaman?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *