Jackque Gonzaga ‘Ate Girl’ ng It’s Showtime Ibinihagi ang Kanyang Tunay na Buhay at Loob ng Kanilang Bahay sa Antipolo

Tayo na mga tao ay mga nilalang na biniyayaan ng natatanging abilidad na kung saan tayo ay may kakayahan na mag-isip sa paraan na kritikal.



Ang bawat tao ay ipinanganak na ordinaryo at mas lalong umuunlad ang mga katangian at kakayahan habang lumilipas ang oras.

Ang bawat indibidwal dito sa mundo ay nagsisimula sa baba patungo sa rurok ng tagumpay na ang tanging kailangan lamang ay sipag at tiyaga sa paghintay ng oportunidad.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang bagong diskubre na talento sa noontime show na IT’S Showtime na si ‘Ate Girl’ o Jackque Gonzaga.

Si Jackque ay nagpapakalat ng kilig vibes para sa mga manununuod ng nasabing palabas dahil sa bawat segment nila ni Vice ay nagbabahagi ito ng mga ‘Banat’.

Kamakailan lamang si ‘Ate Girl’ ay naging sikat para sa mga netizens dahilan upang makaipon siya ng napakadaming tagasuporta at followers.



Ang mga on-the-spot na linya na kanyang binibitawan sa live na palabas ng showtime ang naging puno’t dulo ng lahat kung bakit siya’y biglaang sumikat.

Bago siya makilala na ‘Ate Girl’ sa portion na Ms. Q & A, si Jackque ay mananayaw lamang sa palabas hanggang sa siya ang binigyan ng trabaho na humawak at magbigay ng bowl na naglalaman ng tanong para sa Ms. Q & A.

Walang ideya si Jackque na ito na pala ang kanyang hinihintay na big break dahil habang tumatakbo ang programa na Ms. Q & A, kalaunan ay napansin na ni Vice ang kagandahan ni Jackque at dito na naging trending ang kanilang tandem.

Talagang madami ang humanga kay Jackque kung kaya’t pati sa Rated K siya ay nabigyan ng oportunidad na mas makilala pa dahil siya ay nafeature rito. Ang video na ito ay naipost sa Youtube na kung saan umabot na ng ilang milyong views.



Ibinahagi dito ang personal na buhay ni Jackque. Siya pala ay isang 23 taong gulang na ang kaarawan ay October 31 at nakatira sa Antipolo, Rizal.

Siya ang bunso sa kanilang anim na magkakapatid. Ang kanyang ama at ina ay sina Florencio at Luisa Gonzaga, siya ang unica hija kung kaya’t sobrang protective ang kanyang pamilya sa kanya.

Noong panahon na siya ay nagdesisyon na maging Dancer sa halip na magtrabaho nang nauukol sa kanyang tinapos sa kolehiyo, ang kanyang mga magulang ay hindi sumang-ayon sa kanya.

Ang sabi nila “Nag-aral ka pa tas magsasayaw ka lang pala.” Ngunit ito talaga ang kagustuhan ni Jackque kung kaya’t kanyang pinursige ang pagsasayaw.

Sa murang edad, makikitaan na si Jackque ng talento sa pagsasayaw dahil suking suki ito sa mga dance intermission sa grade school na noo’y nagsimula sa mga sayaw na Spaghetti at Pearly Shells.

Habang nakikita ng kanyang pamilya na siya ay tunay ngang masaya sa kanyang ginagawa, wala na silang nagawa kundi sumuporta na lamang sa kanilang bunso.

Ininterview si Jackque ng Rated K tungkol sa kanyang buhay, ngunit hindi lamang ang personal na buhay ang nakuha na impormasyon mula kay Jackque, kundi ang nilalaman din ng bahay nila sa Antipolo.

Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na tulad kay Jackque, tila ito ay isang panaginip na isang araw biglang nangyari na ang lahat kung kaya’t ngayon si Jackque ay talagang sikat. Kaya hintay-hintay lang mga kaibigan darating din ang big break na inyong inaasam.

Panuorin dito:





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *