Sinorpresa Niya ang Kanyang Ina Sa Kaarawan Nito Sa Pamamagitan ng Pagregalo ng Bahay at Lupa Bilang Ganti Sa Lahat ng Sakripisyo ng Ina

Kung mayroon man na kaisa-isang bagay na ninanais ng isang magulang para sa kanyang anak, ito ay ang tagumpay para sa kanyang buhay. Ito ang tanging makakapagpanatag ng kanilang loob dahil ang kanilang anak ay mayroon nang naabot sa buhay na bunga ng kanilang paghihirap.



Parang tulad na lang ng kwento na aming ibabahagi sa inyo ngayon, ang kasalukuyan na nararanasan ni “Mommy Peng” o Jennifer David. Ang kanyang bawat pagtulog sa gabi ay payapa at tahimik dahil ang kanyang anak na si Shaira David ay tunay ngang may naabot na sa buhay.

Ang patunay rito ay ang pagsorpresa ni Shaira sa kanyang ina na bigyan ito ng bahay at iba pang mga regalo para sa ika-40th na kaarawan nito. Sa murang edad na 21 ng dalagang babaeng ito, si Shaira ay kumuha ng rent-to-own na pag-aari sa Porac, Pampanga.

Isa pang bagay na tunay na kahanga-hanga ay hindi siya nagdalawang isip na iregalo ito sa kanyang ina at makikitaan mo na masayang masaya rin siya habang sinosorpresa ang ina. Sa viral video na inyong matutunghayan, si Shaira ay gumawa ng diskarte sa pagsorpresa sa kanyang ina.



Ang video ay pinapakita kung paano basahin ni Mommy Peng ang mga mensahe sa maliit na piraso ng papel. Wala siyang kaide-ideya kung ano ang pinapagawa sa kanya ng kanyang anak ngunit ng matuklasan niya na bahay pala ang regalo sa kanya, wala siyang ibang nagawa kundi umiyak sa tuwa.

“Na-amaze po ako. Nabilil ako sa kanya, bakit nagawa niya lahat ‘yun para sa aki. 21 lang po siya. Parang ako na po ‘yung pinakamasayang mama sa buong mundo nu’ng time na ‘yun,” ito ang kanyang pahayag sa mga GMA reporters sa Balitanghali.

Gayunpaman, ang ipinakita ni Shaira na pagbigay sa kanyang ina ng napakaengrandeng regalo ay paraan niya upang suklian ang lahat ng paghihirap ng kanyang ina sa kanya.

“Yung paghihirap ng nanay ko, sir, marami siyang pinagdaanan. So gusto ko, ako naman ngayon ‘yung magbigay ng ano sa kanya, happiness,” ito ang kanyang dagdag na pahayag.

Bukod pa sa video na naging viral, si Shaira at Mommy Peng ay nagbahagi din ng mga litrato kung saan kasalukuyan na itinatayo ang kanilang tahanan.

Panuorin dito:





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *