Kilalanin ang Anak ni Jose Manalo na Talagang Hinahangaan ng Marami Dahil Sa Dami ng Kanyang Talento Tulad ng Kanyang Ama

Sabi nga nila namamana daw ng mga anak ang kung anong meron sa kanilang mga magulang, ito man ay sa panlabas na kaanyuan o di kaya naman ay talento.



Si Jose Manalo ay kilala ng karamihan dahil sa kanyang angking galing sa pagpapatawa at ganoon na din sa pagiging isang artista. Kasama si Jose sa noontime show na Eat Bulaga at makikita din sa iba’t-ibang palabas sa TV at sinehan.

May anak si Jose na nagngangalang Benj Manalo at ito ay nakilala din ng mga tao sa galing sa pag-arte. Sa ngayon ay sumasali din siya sa teatro. Kamukhang-kamukha ni Jose ang kanyang anak na si Benj at nakuha din nito ang galing ng ama sa pagpapatawa.

Marami ang humahanga sa magandang pangangatawan at katangian ni Benj ngunit para sa kaalaman ng lahat ay may asawa at mga anak na ito.

Ikinasal siya kay Lovely Abella at masaya ngayon si Benj sa kanyang buhay bilang isang ama sa kanyang tatlong anak at asawa na si Lovely. Makikita sa kanyang Instagram account ang ilan sa kaniyang mga larawan na kasama ang kanyang anak at asawa.



Madalas din silang mamasyal sa iba’t-ibang lugar dito sa bansa at makikitang kumakain sa mga restaurant bilang isang pamilya.

Maliban sa pagpapatawa at pag-arte ay kumakanta din siya kasama ang kanyang asawa. Kahit na marami ang nagkakagusto kay Benj, ipinapakita niya sa publiko kung gaano niya kamahal si Lovely. Katunayan nga ay nagsulat siya ng isang nakakakilig na liham para sa asawa noong ika-tatlong anibersaryo nila bilang mag-asawa.

“I wanna thank God for bringing you in my life, 3 years full of love, joy, memories , laughter at kung ano ano pa! Excited ako sa mga susunod na taon natin mahal, this year we stepped another notch higher in our life pero excited ako kasi kasama kita mabububo ung pangarap natin,” sabi ni Benj sa kanyang liham para kay Lovely.

Nagiging abala si Benj sa pagpapalago ng kanyang career bilang artista at sa katunayan ay nakasama siya sa “Ang Probinsiyano” at “Rak of Aegis”.

Kahit na abala siya sa trabaho ay hindi niya kinakalimutan ang pagpunta sa gym upang magkaroon ng magandang pangangatawan.

Ano ang masasabi mo sa mag-amang Jose at Benj Manalo?



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *