Lalaking Ikakasal Inamin sa Kanyang Bride na Mayroon Pa Siyang Mahal na Isa Pang Babae Bukod sa Kanya Habang Nasa Kalagitnaan ng Seremonyo ng Kasal

Ang kasal ang isa sa pinaka-hihintay na pangyayari sa buhay ng isang tao lalo na ng isang babae dahil minsan lang ito mangyari sa kanilang buhay.



Pinaka-aasam ng karamihan na maikasal sa taong mahal nila kaya naman ang bagay na ito ay talagang pinaghahandaan at pinaglalaanan ng panahon at pera.

Isang kasal ang naging viral sa internet at sa social media dahil sa kakaibang nangyari habang ginaganap ang kasal. Si Jefferson at Jessica ay isa lamang sa mga magkasintahan na nagdesisyong magpakasal ngunit may kakaiba na nangyari habang silang dalawa ay nasa altar.

Ginulat ni Jefferson ang kabiyak na si Jessica nang sabihin niya na meron siyang ibang mahal!

Nagulat si Jessica pati na rin ang mga panauhin ng kasal sa sinabi ni Jefferson. Napaluha ang ilan pati na rin si Jessica at maya-maya pa ay tinawag ni Jefferson ang taong sinasabi niyang mahal niya at ito ay si Giovanna.



Pinaakyat niya ang bata sa altar at sinabing, “If I could ask God anything, it would be to have you as my daughter. I would be the proudest father in the world to have such a beautiful, intelligent, and educated daughter like you.”

Inisa-isa din ni Jefferson ang mga pangarap na nais niya para kay Giovanna at sa kanyang ina na si Jessica habang patuloy na tumutulo ang mga luha nito.

Naramdaman ng mga panauhin ang lubos na pagmamahal ni Jefferson sa mag-inang Jessica at Giovana kaya pati sila ay napaiyak din sa tuwa.

“I also give you love, my love, to take care of you, to always protect you, and to not let anything bad to happen to you.”tugon pa ni Jefferson sa bata. Kinuha ni Giovanna ang mikropono sa kanyang bagong Ama na si Jefferson at nagpasalamat ito sa pagmamahal na ibinigay niya sa kanya at sa kanyang ina na si Jessica. Niyakap ni Jefferson ng mahigpit ang bata at nagpatuloy ang seremonya.



Ngayon ay panatag na ang loob ni Jessica na mamahalin din ng lubos ni Jefferson ang kanyang anak na si Giovanna. Tunay ngang kamangha-mangha ang nagagawa ng pag-ibig sa isang indibidwal.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *