Sila ang mga Sikat na Personalidad na Nagmamay-ari ng Magagara at Naglalakihang Mansion

Tahanan ang isa sa pinakainaasam-asam ng sinuman. Ito ay sa kadahilanang isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng tao upang makapamuhay tayo ng maayos.

Ang ilan ay talagang nagsusumikap sa paghahanap-buhay upang makabili ng malaking bahay o mansyon marahil na din sa impluwensiya sa atin ng mga kwento ng fairy tales noong tayo ay bata pa.

Ang bahay din ang isa sa mga nagiging sukatan ng mga tao kung gaano ka kayaman. Narito ang ilan sa mga kilalang personalidad na masasabi nating nakamit nila ang kanilang “dream house”.



1.Solenn Heussaff and Nico Bolzico

Ang mag-asawang ito ay hinahangaan ng karamihan hindi lamang dahil sila ay #couplegoals kundi dahil na din sa kanilang bahay na moderno ang disenyo at may mga likhang sining at painting ni Solenn.

2. Alden Richards

Ang “Pambansang Bae” ng GMA ay ipinakita din sa publiko ang kanyang mansyon sa Laguna kung saan siya nakatira kasama ang kanyang pamilya at Lola.

3. Coco Martin



Unang pinakita ni Coco Martin, aktor sa “Ang Probinsiyano” ang kanyang bahay sa Kris TV. Moderno ang disenyo ng bahay ng aktor at mayroon itong dalawang swimming pool sa labas.

4. Kris Aquino

Maraming bahay ang aktres at lahat ng ito ay kanyang ipinasilip sa publiko. Puti ang kulay na gusto niya sa mga dingding upang maging maaliwalas ang kapaligiran.Makikita din dito ang ilang pegurin ng Feng Shui.

5. Jinkee and Manny Pacquiao



Ang mag-asawang Jinkee and Manny Pacquiao ay kilala bilang isa sa mga mag-asawa na nagmamay-ari ng maraming bahay. Ito ay patunay lamang ng tagumpay nila sa buhay.

6. Regine Velasquez and Ogie Alcasid

Ang bahay ng mag-asawang ito ay malawak at maaliwalas dahil maraming puno at halaman na nakapaligid. Malawak din ang kusina dahil mahilig magluto si Regine.

7. Boy Abunda



Ipinasilip din ni Tito Boy ang kanyang engrandeng rest house sa Cavite na animo ay isang white house hindi lamang dahil sa kulay nito kundi dahil nadin sa laki ng bahay.

8. Dra. Vicki Belo and Hayden Kho

Pinaunlakan ng mag-asawa ang interview sa kanilang ng isang palabas sa GMA-7 na Power House. Ipinakita dito kung gaano kalaki ang bahay nila Vicky at kung ilang silid meron sila.

9. Pauleen Luna and Vic Sotto

Ang bahay ng mag-asawang Vic at Pauleen ay may magandang interior design dahil kahit na may mga kagamitan sa loob ng bahay ay malawak padin itong tingnan dahil sa maluwag na espasyo.

10. Joel Cruz

Tinaguriang “Lord of Scents” si Joel at ang kanyang mansyon ay kakaiba sa lahat dahil ito ay may sariling elevator sa loob.

Walang imposible na marating ang pangarap na mansyon o malaking bahay. Sipag, tiyaga at determinasyon ay huwag kalimutan upang ang mga pangarap ay iyong makamtan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *