Isang High School Teacher Ang Hinangaan Ng Karamihan Dahil Sa Pagkarga Niya sa Baby ng Kanyang Estudyante na Kumukuha ng Exam

Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang tao at ang pagtatapos ng pag-aaral ay isang malaking bagay para magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Kaya naman sinisikap ng mga magulang na makapagtapos ng pagaaral ang kanilang mga anak kahit na mahirap ang buhay.

Image courtesy: Leodel Narvaez



Sa panahon ngayon hindi maipagkakaila na marami sa mga kabataan ang nagiging ina sa batang edad at kinakailangan nilang tumigil sa pag-aaral para maalagaan ang kanilang anak. Madalas din silang makatanggap ng panghuhusga ng lipunan dahil sa pagbubuntis ng maaga.

Ngunit ang ilan sa mga babaeng ito ay hindi alintana ang hirap ng pagiging isang ina at pinagpapatuloy padin ang pagtatapos ng kanilang pag-aaral. Mabuti nalang at may mga tao pang kagaya ni Leodel Narvaez, isang high school teacher.

Image courtesy: Leodel Narvaez

Siya ang guro na naging viral sa social media dahil sa kanyang ipinakitang kagandahang loob sa kanyang estudyante at sa anak nito. May pagsusulit noong araw na iyon sa klase ni Leodel kaya lahat ng estudyante ay inaasang nasa loob ng silid paaralan.

Ngunit may isang estudyante siya na nahihirapan sa pagsusulit kaya tinulungan niya ito. Ang babaeng ito ay may anak na dala-dala sa paaralan dahil walang mag-aalaga dito.

Walang pag-aatubili na kinuha ng guro ang bata sa kanyang estudyanteng babae at kinarga ito na parang sarili niyang anak. Si Leodel muna ang nagbantay sa bata habang nagsasagot ng kanyang papel ang estudyanteng babae.

Image courtesy: Leodel Narvaez



Matagumpay na natapos ng babae ang kanyang pagsusulit habang karga ng guro ang kanyang anak. Lubos ang kanyang pasasalamat sa guro sa mabuting puso nito.

Nakuhanan ng isang estudyante ng larawan si Leodel ng hindi nito alam at ibinahagi ito sa Facebook. Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang nasabing larawan at naibahagi ito ng 520 na ulit. Marami din ang nagkomento at natuwa sa ginawang ito ng guro.

Image courtesy: Leodel Narvaez

Sabi ng ilan ay saludo sila sa ginawang pagmamalasakit ni Leonel sa kanyang estudyante. Sana ay hindi lamang si Leodel ang tao o guro na magpakita ng malasakit sa kapwa na nangangailangan ng tulong.

Isang mabuting halimbawa ang guro na ito sa ating lahat na kung nanaisin mong makatulong sa iyong kapwa ay magagawa mo ito kahit sa maliit na kapamaraanan.

Ano ang masasabi mo sa ginawang ito ng guro para sa kanyang estudyante na isa ng ina?

Source: Leodel Narvaez/Facebook





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *