Mas Maginoo ‘Beki’ na Ito Kaysa Sa mga Tunay na Lalaki Matapos Magbigay ng Upuan Sa Bus Para sa Mas Nangangailangan na Pasahero

Alam nating lahat na mahirap ang buhay ng isang komyuter sa Pilipinas. Kasama na sa pangaraw-araw na buhay ng mga Pilipino ang makipagsiksikan sa mga pampublikong sasakyan at maipit sa trapiko.



Ang mga ganitong pangyayari ay nakakadagdag sa pagod at stress ng isang tao kaya naman hindi maiiwasan na nagkakaroon ng di pagkakaunawaan ang mga komyuter.

Ang ilan naman ay mas pinipiling matulog sa sasakyan kung mayroong pagkakataon para kahit papaano ay makabawi ng lakas. Sa kulturang Pinoy ay inaasahan na ang mga lalaki ay maginoo at nagpaparaya para sa kapakanan ng mga matatanda at kababaihan.

Kaya naman kapag may mga lalaking nakaupo sa mga pampublikong sasakyan kagaya ng bus at may babae o matandang nakatayo ay nahuhusgahan siya ng ibang mga pasahero. Inaasahan nila na tatayo ang lalaki para ibigay ang upuan sa babae o sa nakakatanda ngunit hindi ganito ang madalas na nangyayari.

Kamakailan lang ay isang bakla ang naging viral sa social media dahil sa kanyang kabutihang loob. Si Alden Harold Garces ang nagbahagi ng isang larawan ng bakla sa kanyang Facebook account.



Inilahad niya sa kanyang post ang kanyang nasaksihan habang nakasakay siya sa bus at papauwi na galing sa trabaho. Napansin niya daw na sa tuwing may nakatayong babae ay tumatayo ang bakla sa kanyang kinauupuan at nagpaparayang ibinigay sa babae ang upuan.

Akala niya ay isang beses lang ito mangyayari ngunit nagkamali siya. Sa tuwing may pagkakataon na umupo ang bakla ay umuupo ito ngunit kapag may nakikita siyang babae o matanda na nakatayo ay ibinibigay niya ang kanyang upuan sa mga ito.

Napansin din daw ni Harold na halatang pagod at puyat ang bakla dahil parang nanghihina na ito ngunit patuloy padin siya sa pag-alok ng upuan at sa katunayan ay hanggang sa bumaba ng bus si Harold ay nakatayo padin ang bakla.

Umani ng sa 107,000 ang mga natuwa sa post at naibahagi ito sa social media sa umabot sa 34,000. Marami din ang nagkomento dito na umabot sa 8,700 at ang karamihan sa kanila ay saludo sa katangian ng bakla.

Natutuwa sila dahil sa panahon ngayon ay may mga natitirang tao padin na mabubuti ang kalooban kahit na ano pa man ang kasarian. Sabi pa nga ni Harold, “Minsan mas lalaki pa ang mga bakla sa tunay na lalaki.”

Madalas man makatanggap ng pangungutya at pagmamaliit ang mga kababayan nating bakla, madalas man silang husgahan at pag-isipan ng masama dahil iba sila sa karamihan ay patuloy padin nilang pinapatunayan na mabubuting tao sila at dapat silang igalang at mahalin.

Ikaw, ano ang reaksyon mo sa nasabing balitang ito?





Source

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *