Isang OFW ang Nakaisip ng Diskarte Upang Makaiwas sa Emosyonal na Paalam sa Kanyang Pinakamamahal na Anak

Mahirap ang buhay OFW at hindi ito lingid sa ating mga kababayan ngunit kinakailangan nilang umalis ng bansa para mas mabigyan nila ng maayos na kinabukasan ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.



Nakakalungkot ang makita ang mahal mo na lumalayo sayo at alam mong hindi mo na siya makikita sa matagal na panahon. Ganito ang madalas na nangyayari at nararanasan araw-araw sa loob at labas ng airport kung saan marami sa ating mga kababayan ang umaalis at hinahatid ng kanilang mahal sa buhay.

Kamakailan lang ay may isang lalaking OFW ang nagbahagi sa kanyang Facebook account ng paraan niya ng pagpapaalam sa kanyang asawa at anak. Unang nakita ng lalaking ito ang pamamaraan na ito na ginagawa ng mga may-alagang hayop upang hindi ma stress ang mga ito sa tuwing sila ay aalis ng bahay at iiwan ang alaga.

Makikita sa post ng lalaki na sa gilid ng kanilang sasakyan ay nandun ang kanyang mag-ina na naglalaro. Kapansin-pansin din ang isang kapiraso ng tela na nasa kalsada.



Ito pala ang ginagamit niya upang maibaling ang atensiyon ng bata at hindi maramdaman na siya ay aalis na ng bansa. Nagtago sa likod ng tela ang lalaki at tinitignan siya ng bata.

Maya-maya pa ay nawala ito at ang naiwan nalang ay ang tela. Namangha ang bata sa nangyari at mukhang epektibo nga ang ginawa ng lalaki dahil hindi umiyak ang kanyang anak.

Sabi ng lalaki sa kanyang post “Gugustuhin mo nalang mawala bigla at wag na mag paalam. Magic! Iba pala talaga pag may anak na. Hirap.” Marami ang nakakita ng post na ito at nagbahagi din ng kanilang kwento at komento.

Sila din daw ay nahihirapan sa pagpapaalam sa kanilang pamilya sa tuwing sila ay aalis ng bansa para magtrabaho. Ang ilan ay nagbigay ng mabubuting salita sa lalaki na kahit papano ay nakakatulong sa kanya para maibsan ang lungkot.

Saludo kami sa mga OFW na walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya. Hirap at lungkot man ang mgaing kapalit nito ay wala silang pag-aatubili na magsakripisyo para lang sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *