Ito ang Kwento ng Isang Aso na Naghihintay Araw-araw sa Isang Simbahan Para sa Pagbabalik ng Kanyang Amo Kung Saan Ito’y Ibinurol

Tinaguriang “man’s bestfriend” ang mga aso dahil na din sa kakaiba nitong kakayanan para iparamdam sa ating mga tao ang kanilang pagmamahal kahit na hindi natin sila ka uri.



Kamakailan lang ay isang aso na naman ang nagpa-antig sa puso ng mga netizens dahil sa simpleng bagay na ginagawa niya araw-araw. Siya ay si Tommy, ang aso na madalas makita ng mga tao sa simbahan kung saan ibinurol ang kanyang babaeng amo.

Ang malungkot na asong ito ay laging nakapwesto kung saan ang lugar na inuupuan ng kanyang amo noong nabubuhay pa ito. Marami ang naawa sa kalagayan ni Tommy ngunit kahit na anong gawin nila ay araw-araw padin itong bumabalik sa simbahan na para bang inaantay ang pagbabalik ng kanyang amo.

Inampon si Tommy ng isang babae na nagngangalang Maria Margherita Lochi. Siya ay 57 taong gulang ng makita niya ang aso sa isang taniman malapit sa kanyang bahay. Pitong taong gulang si Tommy noon at may lahing German Shepherd.

Kahit na may iba pang mga alagang aso si Maria mas naging malapit ito kay Tommy. Isinasama niya ang aso sa tuwing lalabas siya ng bahay at maging sa loob ng simbahan ay kasama niya din itong nakikinig sa misa ng pari.



Sabi nga ni Father Donato Panna, “ He’s there every time I celebrate Mass and is very well behaved – he doesn’t make a sound, I’ve not heard one bark from him in all the time he has been coming in. He used to come to Mass with Maria and he was obviously devoted to her – I let him stay inside as he was always so well behaved and none of the other parishioners ever complained to me.”

Mabait nga ang asong si Tommy kaya naman kinagigiliwan siya ng lahat lalo na ng kanyang amo na si Maria. Ngunit sa hindi inaasang pagkakataon ay pumanaw si Maria. Kasama din si Tommy sa mga nakilibing kay Maria at simula noon ay araw-araw na siyang bumabalik sa simbahan sa tuwing maririnig and tunong ng kalembang.

Mahal ng mga tao si Tommy at araw-araw nila itong binibigyan ng pagkain. Ang kwentong ito ni Tommy ay halos kaparehas din sa totong buhay ng isang aso sa Japan na si Hachiko. Namatay din an amo ni Hachiko noong 1925. Sa katunayan nga ay nagawan pa ng isang pelikula ang kwentong ito ni Hachiko noong 2009.

Source: Dailymail





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *