Ipinanganak ang Kambal na Ito na Magkaiba ang Kulay na Tila Palaisipan Kung Paano Ito Nangyari

Madalang tayong makakita ng mga kambal dahil bibihira lamang ang mga ina na nabibiyaan na magka-anak ng kambal. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil sa kanilang pagkakahawig. Minsan naman ay may mga kambal na hindi magkamukha ngunit mapapansin padin ang kanilang pagkakatulad.



Ngunit may isang kambal na kakaiba sa lahat dahil ipinanganak silang hindi magkamukha at magkaiba pa ang kulang ng kanilang balat. Sila ay sina Lucy at Maria Aylmer, ang kambal na galing sa Gloucester, England.

Sa unang sulyap ay hindi mo aakalain na kambal ang dalawa dahil magkaibang-magkaiba ang kanilang mukha. Ang ina nila ay isang half Jamaican samantalang ang ama naman nila ay galing Britanya.

Maliit pa lamang ang kambal ay napapansin na ng kanilang ina ang pagkakaiba ng mga ito. Si Maria ay maitim ang balat at buhok na kulot samantalang si Lucy naman ay straight ang buhok at napakaputi ng balat. Habang lumalaki ay naiingit daw si Maria kay Lucy dahil sa kanyang maputing balat at straight na buhok samantalang si Lucy naman ay iniisip na isa lamang siyang ampon.



Madalas pagsuotin ng kanilang ina ang kambal ng damit na prehas sila para malaman ng tao na kambal ang mga ito ngunit habang lumalaki ay nagkakaroon sila ng magkaibang pananaw sa pananamit at pati na rin sa mga desisyon sa buhay. Magkaiba man ang hilig ng kambal ay nanatili parin silang malapit sa isa’t isa.

Marami ang namangha sa kambal na sina Lucy at Maria at karamihan sa kanila ay hindi makapaniwala na kambal nga ang dalawa. Dahil pinaguusapan sila sa internet at social media, madalas na ding lumabas ang dalawa sa mga TV shows kagaya ng Good Morning Britain para sa isang interview.

Minsan daw ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan kagaya ng normal na magkapatid pero kahit na hindi sila mag-usap ng matagal dahil sa tampuhan ay wala padin daw nagbabago sa pagmamahalan nila bilang magkapatid.

Magkaiba man ang kanilang anyo at kulay ay walang bagay ang maaring maging dahilan para mapaghiwalay ang kambal na sina Lucy at Maria.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *