Silipin ang Sobrang Nakakainlove ang Beauty ng mga Anak ng Former PBA Players

Madalas ipakilala ng mga PBA players ang kanilang naggagandahang asawa sa tuwing merong TV interviews. At kung maganda ang puno siguradong magaganda din ang bunga. Narito ang ilan sa mga naggagandahang anak ng mga PBA players at marahil ang ilan sa kanila ay kilala niyo na.

1. Ennajie “EJ” Laure



Siya ay anak ni Eddie Laure na naglalaro ngayon para sa Blackwater Elite. Si EJ ay isang volleyball player at siya ang open spiker sa grupo. Nag-aaral ang dalaga sa University of Sto. Tomas at madalas siyang napapasama sa UAAP.

2. Pauline Gaston

Anak ni Fritz Gaston si Pauline. Ang beteranong basketball player na si Frits at naglaro para sa koponang U/Tex Wranglers noong 1979 hanggang 1980. Samantalang si Pauline naman ay kasalukuyang volleyball player ng Ateneo. Pinagsasabay din ni Fritz ang pag-aaral at pagiging isang modelo.

3. Therese Gaston

Siya ang nakababatang kapatid ni Pauline at kagaya ng kanyang ate ay madalas din siyang mapansin ng publiko dahil sa taglay niyang ganda. Sinundan niya din ang yapak ng kanyang ate sa sports at isa ding volleyball player.

4. Danica Jose

Anak siya ng PBA legend na si Bobby “The firecracker” Jose na naglaro para sa San Miguel at Alaska. Kagaya ng kanyang ama, si Danica ay isa ring basketball player at kasali siya sa women’s team ng Ateneo Blue Eagles.

5. Miakka Lim



Siya ay anak ni Franky Lim na naglalaro din para sa Alaska. Kasalukuyang nagtatrabaho si Miakka bilang isang reporter at host.

6. Pinky Webb

Marahil ay familiar sa inyo si Pinky Webb dahil madalas ninyo siyang makita sa telebisyon at nagbabalita. Siya ay anak ng former PBA player na si Freddie Webb na naglaro noon para sa Tanduay. Mayroon siyang kapatid na nagngangalang Jason Webb.

7. Michele Gumabao

Anak ng former PBA player na si Dennis Roldan (isa ding actor). Naglaro ang kanyang ama para sa Ginebra at Gilbey’s. Sa kasalukuyan ay kasali sa volleyball team ng De La Salle University si Michele at isa din siyang product endorser.

8. Tin Patrimonio



Si Tin ay anak ng kilalang The Captain Alvin Patrimonio na naglaro para sa Purefoods. Isang tennis player si Tin.

9. Rizzini Alexis Gomez

Siya ay anak ng former PBA player na si Roel Gomez na naglaro para sa Alaska. Para sa mga hindi nakakaalam si Rizzini ay isang beauty queen.

10. Danita Paner

Anak siya ni Manny Paner na naglaro para sa San Miguel, Great Taste at CDCP Road Builders. Si Danita ay isang singer at aktres. Naging cover siya ng FHM magazine noong Nobyembre taong 2013.
Ilan lamang sila sa mga nanggagandahang anak ng mga PBA player. Ano ang masasabi mo sa mga naging anak ng kilala nating PBA player?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *