Ang Gusaling Ito ay Isa Sa Pinakamalaking Hotel Sa Bansa Ng Japan Noon Ngunit Ngayon Ito ay Abandonado na. Ito ang Mga Pasilip na Litrato Kung Ano na Itsura Nito Ngayon

Ang Hachijo Royal Hotel ay isa sa pinakamalaking hotel sa Japan noong mga araw na ito ay napapakinabang pa ng mga tao na bumibisita isla. Dito nananatili ang mga bisita na nais bumisita sa remote island na ito na nagnanais na makapagpahinga at magrelax.



Ngunit ngayon ito ay isang abandonado na gusali na hindi na napupuntahan ng mga bumibisita sa isla. Pinamumugaran na ng mga lumot at amag sa kadahilanan na ito ay talagang matagal nang hindi napupuntahan at nagagamit.

Isang Polish National Photographer na nagngangalang Natalia Sobanska ang bumisita sa hotel na ito na talagang nalipasan na ng panahon.

Ang kanyang mga litrato ay mga pasilip sa mga silid ng hotel na kung saan noon ay tinitirhan ng mga bisita galing Japan at iba pang mga banyaga.

Narito ang ilan sa mga litrato ng hotel na ito na kung saan ikaw ay siguradong hahanga at matatakot:

Dati-rati noong dekado 60’ ang mga bakasyunista ay hirap na makakuha ng passport kung kaya’t sila ay naglalakbay sa pamamagitan ng short ferry ride na nanggaling mula sa mainland.

Tunay ngang ito ang isa sa pinakaperpektong lugar upang makakuha ng magarbong resort na pahingahan sa isla.

Ang Hachijo Royal Hotel ay naitayo noong taong 1963 at mabilis na nakilala ng mga lokal kung saan naging isa sa pinakamalaking hotel sa buong  bansa ng Japan.



Habang lumilipas ang panahon, ang remote island na ito ay unti-unting nawawalan ng sigla upang maging isang kanais-nais na tourist attraction para sa mga dayuhan dahil na din pahirapan makarating rito.

Ang hotel ay opisyal nang isinara noong taong 2006. Iniwan na lamang itong nakatiwangwang at walang naninirahan na kahit sino.

Napakaraming mga dekorasyon na nakalagay rito sa hotel ang nanatili sa eksaktong lokasyon kung saan ito’y noong iniwan dekada na ang nakalipas.

May mga parte sa loob ng hotel na nananatili at hindi pa rin nagagalaw kahit ilang taon na ang lumipas simula nang ito ay isinara.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *