Kilalanin natin ang Isang Filipina na Nagtapos Bilang Summa Cum Laude Sa University of Pennsylvania sa Amerika

Kilala ang mga Pilipino sa iba’t ibang bansa dahil sa angkin nitong katalinuhan at ganoon na din ang kagandahang asal. Kamakailan lang ay isang Pinay na naman ang nagbandera ng watawat ng Pilipinas nang makapagtapos siya bilang Summa Cum Laude sa University of Pennsylvania sa Amerika.



Siya ay walang iba kundi si Lara Andrea Montales. Bata pa lamang si Lara ay masipag na siyang mag-aral at sinisiguradong maganda ang kanyang mga grado sa paaralan.

Sa katunayan ay nagtapos siya bilang valedictorian noong elementarya sa Colegio San Agustin- Makati at may mga honors naman siya noong highschool sa Philippine Science High School – Main branch.

Likas na nga kay Lara ang pag-aaral ng mabuti at nabigyan din siya ng pagkakataon bilang maging kinatawan ng Pilipinas para sa isang Math contest kung saan siya ay nanalo sa tulong na din ng Mathematics Trainers Guild Philippines (MTG).

Noong 2014 ay nakapasa si Lara sa entrance exam sa Wharton School, isang paaralan na Top 1 sa listahan ng mga magagandang Business Schools sa Amerika ayon sa Forbes’ 2017 Magazine.

Nagsumikap mag-aral si Lara sa kursong Bachelor of Science in Economics Major in Finance and Business Analytics. Ang pagsusumikap na ito ng dalaga ay nagbunga ng maganda dahil nagtapos siya bilang Cum Laude na lubos ikinatuwa ng kanyang mga pamilya at mga kaibigan lalo na ng kanyang mga magulang.



Naging intern si Lara sa Morgan Stanley sa Singapore noong nakaraang taon at noong buwan ng Mayo ay nasa Pilipinas siya para magbakasyon kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Sinusulit ni Lara ang kanyang pananatili sa bansa dahil sa buwan ng Agosto ay babalik na siya sa Amerika para magsimulang magtrabaho sa isang consulting firm sa Chicago.

Sa kanyang Facebook account ay nagbahagi si Lara ng kanyang larawan kung saan nakasuot siya ng itim na toga matapos ang graduation at sinabing, “ My very first profile picture at Penn was with the LOVE statue, so it’s only fitting that my last one be the LOVE statue as well. So thankful for the love that I have given and received at this school, for the friends I have met and the families I have found, and for the home I have made. Until next time, Penn”.

Marami sa mga netizens ang namangha kay Lara at ginawa siyang inspirasyon hindi lamang sa pag-aaral ng mabuti kundi pati na rin sa pagabot ng kanilang mga pangarap.

Source: Facebook





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *