Isang Ina Ang Napagkamalang Girlfriend Ng Kanyang Anak na Lalake Dahil Sa Hindi Tumatandang Mukha Nito

Naging hangarin na ng halos lahat ng tao na mapanatili ang kanilang kabataan kaya naman ginagawa nila ang kanilang makakaya para mangyari ito. Ngunit sa katunayan ay hindi natin mapipigilan ang ating pagtanda dahil ganoon na talaga ang kapalaran ng tao – ang tumanda taon-taon.



Isang babae sa England ang naging viral sa social media dahil sa kanyang hindi tumatandang mukha. Siya ay si Shimmi Munshi, 41 taong gulang mula sa Bolton England.

Ayon sa kanya, hindi na tumanda ang kanyang mukha simula noong siya ay 20 taong gulang at kahit na ngayon ay sa edad na apatnapu ay mukha padin siyang bata. Si Shimmi ay hindi din umano nagparetoke ng kanyang mukha at lahat ng makikita sa kanya ay pawang natural.

Paano nga ba nangyari na huminto ang pagtanda ng mukha ni Shimmi sa edad na 20 taong gulang? Ano kaya ang sekreto niya? Marahil ay nahanap niya ang sinasabi nilang “fountain of youth”.

Sa isang interview kay Shimmi ay sinabi niyang wala siyang sekreto sa hindi pagtanda ng kanyang mukha. Sa tooto lang daw ay hindi niya naman napansin na hindi siya tumatanda hanggang sa isang araw ay sabihin sa kanya ng ka-edad niyang kaibigan na mukhang bata padin ang kanyang mukha.



“I didn’t notice it particularly, but all my friends did. They were all moaning that I’d discovered the secret of eternal youth and they wanted me to share it.”, sabi pa ni Shimmi.

Single mom si Shimmi sa kanyang anak na lalaking si Ameen at madalas ay nakakaranas siya ng stress dahil dito ngunit sa halip na mas lalong tumanda ay nanatiling bata ang mukha niya at wala halos makikitang mga wrinkles dito.

Madalas din daw siyang mapagkamalan na girlfriend ng kanyang anak sa tuwing magkasama sila na namamasyal. Ang ilan namang mga nanay sa paaralan kung saan nag-aaral ang kanyang anak ay panay ang tanong sa kanya kung ano ang mga ginagamit niya sa mukha dahil gusto din daw nilang magmukhang bata kagaya niya.

“I’d certainly never had cosmetic surgery. And my beauty routine consisted of baby wipes and whatever moisturizer was on special offer in supermarket!”, sagot ni Shimmi noong tanungin siya kung paano niya inaalagaan ang kanyang mukha.

Maingat daw talaga si Shimmi sa kanyang katawan at madalas siyang pumunta sa gym para mag ehersisyo at umiinom din daw siya ng green tea araw-araw. Hindi din siya naninigarilyo o di kaya naman ay umiinom.

Marahil daw ay nasa dugo na talaga nila ang hindi pagtanda dahil ganoon din daw ang nagyari sa kanyang mga magulang na kahit may edad na ay mukha pading bata.

Marami ang naiingit kay sa mukha ni Shimmi at naging inspirasyon siya ng ilan na alagaan ang sarili para mapanitiling malakas at maganda hindi lamang ang kanilang mukha kundi pati na din ang kanilang buong pangangatawan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *