Sharon Cuneta Binigyan Ng Diamond Ring si Asia’s Song Bird Regine Velasquez Habang Nasa Entablado

Matalik na magkaibigan ang dalawang mang-aawit na sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez. Kaya naman kahit na hindi sila laging nagkikita dahil magkaiba sila ng pinagtatrabahuan na TV network ay hindi nawala ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.



Kamakailan lang ay napabalitang bumalik na nga si Regine Velasquez sa ABS-CBN at mainit siyang tinanggap ng lahat ng bumubuo ng TV network pati na ng mga artista nito.

Lumabas si Regine sa iba’t ibang TV shows ng ABS-CBN bilang pagtanggap nila sa singer at ang isa sa mga ito ay ‘Gandang Gabi Vice’, kung saan ibinahagi ni Vice kung gaano niya iniidolo si Regine.

Maraming mga proyekto ang ibinigay sa Asia’s Song Bird sa kanyang pagbabalik sa TV network at maliban sa regular na paglabas niya sa ASAP ay nagkaroon din siya ng comeback concert noong ika-24 ng Nobyembre ng kasalukuyang taon na pinamagatang “Regine At The Movies”.

Ito ay ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City. Maraming guest si Regine sa kanyang concert at ilan na dito sila Vice Ganda at si Mega Star Sharon Cuneta.

Kinanta ng dalawa ang pinakasikat na awitin ni Sharon na “Bituing Walang Ningning” at habang kumakanta ay mapapansin na tinatanggal ni Sharon ang singsing sa kanyang daliri at iniabot kay Regine.



Nagulat na tinanggap ng Asia’s Song Bird and singsing at mas lalong nagulat siya ng malaman na regalo pala ito sa kanya ni Sharon. Ang singsing ay hugis bulaklak na tadtad ng diyamante at gawa ito ni Candy Dizon na may-ari ng Jul B.Dizon jewelry shop ayon sa report ng PEP.ph.

“Sometimes I get this feeling na I want to give..and it’s the most expensive gift I’ve ever given anyone.”, sabi pa ni Sharon sa isang interview. Lubos na ikinatuwa ni Regine ang regalo na ibinigay sa kanya ni Sharon at nagbirong itinanong kung pwede daw ba itong isangla. “Pwede, pero wag mo namang isangla.”, tugon ni Sharon.

Biniro ng Mega Star si Regine kung may ibibgay ba itong regalo sa kanya at pabirong sinabi ng Asia’s Song Bird na ibibigay niya daw ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid kapalit ng diyamanteng singsing.

Sampung taon na sa pangangalaga ni Sharon ang nasabing singsing at sinabing “I will miss you. I love you so much.” Habang nakatitig sa singsing na diyamante.

Madaming namangha na netizens ng makita ang balitang ito at sabi nila ay talagang yayamanin daw ang Mega Star at sana sila din daw ay may mag regalo din sa kanila ng diyamanteng singsing lalo na at papalapit na ang kapaskuhan.

Source: Kami





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *