Kung Pagmamasdan ang Bahay na Ito ay Tila Napakaliit Lamang Ngunit Kung Inyong Sisilipin sa Loob ay Talagang Nakakamangha Kung Paano Ito Nagawan ng Paraan Upang Mapalaki

Ang pagkakaroon ng ‘dream house’ang isa sa mga pinapangarap ng halos lahat sa atin. Madalas na gusto ng mga tao ay malaki at malawak na bahay at bakuran.



Kaya naman nagsusumikap ang karamihan sa pagtatrabaho upang makaipon ng sapat na pera at makabili ng lupa na pagtatayuan ng gusto nilang disenyo ng bahay.

Ngunit paano kung ang meron kalang ay isang maliit na kapiraso ng lupa?Paano mo ididisenyo ang iyong bahay?

Sa Suginami, Tokyo, Japan ay may isang kakaibang bahay ang makikita na talaga namang nakakamangha. Ang bahay na ito ay dinesenyo ni Mizuishi Atelier, isang arkitekto

Ang lupa na meron siya ay may sukat lamang na 594 square-foot at napapagitna pa ito ng ilog at kalsada kaya naman mahirap makagawa ng isang malaki at malawak na bahay dito.

Nag-isip ng paraan ang arkitekto kung paano niya maitatayo ang bahay na matitirhan nilang mag-asawa at isang anak na babae. Naging pahaba at makitid ang disenyo ng bahay na kung titignan ay mukhang mahihirapan ang titira sa loob nito sa liit ng espasyo.

Tunay ngang kakaiba ang kinalabasan ng disenyo ng bahay at nakakamangha ang pagkakagawa dito. Sa pinakababang bahagi ng bahay ay makikita ang isang kwarto at sa unang palapag naman ay ang sala.



Mayroon din itong mezzanine kung saan pwedeng maglaro ang kanilang anak. Mayroon itong malalaking bintanang salamin na nakakatulong upang maging maliwanag ang buong bahay. Ang kusina nila ay mayroong isang mesa at tatlong upuan, isang malaking lutuan at refrigerator.

Napagkasya din ng arkitekto ang isang modernong disenyo ng banyo sa bahay nila. Maraming netizen ang nagulat ng makita ang buong loob ng bahay at hindi makapaniwala na maari itong matirahan ng isang pamilya.

Ang pagkakaroon ng malikhaing kaisipan ng arkitekto ay naging daan para magawan niya ng paraan ang pagtatayo ng bahay para sa kanyang pamilya kahit na maliit na lupa lamang ang meron sila.

Ano pa kayang mga kakaibang disenyo ng bahay ang makikita natin sa hinaharap? Ano ang masasabi mo sa kinalabasan ng disenyo ng bahay? Gugustuhin mo bang tumira sa ganoong uri ng bahay?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *