Sila ang Mag-asawang Nagsimula sa Isang Daang Pisong Puhunan at Inilaan sa Negosyong Paglalako ng Siomai, Ngayon Sila’y Milyonaryo na Bunga Lamang ng Sipag at Tiyaga

Marami ang nag-iisip nalang mag negosyo dahil sa kadahilanang halos sapat lang sa kanilang pang-gastos ang kinikita nila sa trabaho na minimum wage.



Kapalit pa nito ay ang matagal na oras sa byahe, pagod na katawan pagpasok at pag-uwi galing sa trababo at dagdagan pa ng boss na nagagalit dahil malapit na ang deadline ng trabaho.

Ngunit marami din ang nahihirapan magsimula ng negosyo dahil daw wala silang capital para magsimula. Kaya naman kamakailan lang ay naging viral ang mag-asawa na nagsimula ng kanilang negosyo sa halagang 100 piso at ngayon ay milyonaryo na!

Hindi nabanggit ang pangalan ng mag-asawang ito pero sila ay nakatira sa Batangas at nagtatrabaho sa isang restaurant. Minimum lang din ang kinikita ng dalawa at pinagkakasya nila ito sa mga pang-araw-araw na gastusin.

Isang araw may nag-alok daw sa kanila ng isang bahay na ibinebenta at hulugan ang bayaran. Noong una ay nag-atubili ang dalawa dahil baka hindi nila kayang bayaran dahil sa liit ng sahod nila.

Ngunit nagdesisyon na din ang dalawa na kunin ito kesa naman magbayad sila sa upa ng bahay na hindi naman mapupunta sa kanila. Dahil nga sipag at pagpupursigieng mag-asawa ay natapos nilang bayaran ang bahay.



Dahil may sariling bahay na sila, nagdesisyon silang tumigil na sa pagtatrabaho sa restaurant at nagbenta nalang ng banana cue sa buong bayan.

Ngunit kakaunti lang ang kinikita nila dito kaya naman naisipan nilang dagdag ng siomai ang binebenta nilang pagkain.

Pumatok ang gawang siomai ng mag-asawa at nagdagdag pa ulit sila ng ibang pagkain gaya ng siopao ngunit hindi ito naging mabenta at siomai ang laging nauubos.

Kaya naman naisipan nilang ibuhos ang kanilang oras at capital sa isang produkto lamang. Dito sila nag-umpisang makilala sa kanilang lugar at unti-unting kumita ng malaki hanggang sa makabili sila ng motor na may sidecar. Ito ang ginagamit nila sa paglalako ng siomai.

Ayon pa sa mag-asawa ay umaabot sa 45,000 hanggang 50,000 ang kinikita nila sa isang araw dahil marami na din silang branches. Ibinahagi din ng mag-asawa ang kanilang natutunan sa negosyo para kumita din ang kanilang mga kababayan gaya nila.





Panuorin ang video dito:

Source: Jessica Sojo/GMA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *