Mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano Ipinasyal Ang Kanilang Dalawang Anak Sa Mala-Zoo Na Bahay Ni Kuya Kim

Kilala ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano dahil parehas silang TV personalities at host. May kanya-kanya silang fans noong sila ay magkasintahan pa lamang ngunit noong ikassal ay mas dumami pa ang sumusubaybay sa buhay nila.



Lubos na ikinatuwa ng kanilang mga fans noong magkaroon sila ng unang anak na pinangalanan nilang ‘Primo’ na isang salitang Italiano. Ang ibig sabihin nito sa salitang tagalog ay ‘una’.

Madalas ibahagi ng mag-asawa ang mga nangyayari sa kanilang buhay may-asawa kasama si Primo sa kani-kanilang mga Instagram accounts at talagang inaabangan itong ng kanilang mga followers.

Makikita ding kahit may mga kasambahay si Iya ay hands-on padin siya sa pag-alaga ng kanyang anak. Nasundan si Primo ng isa pang baby boy na pinangalanan naman ng mag-asawang Leon.

Kasama na din ang batang ito sa mga sinusubaybayan ng fans at sa katunayan ay tinawag na ‘Team Arellano’ ang pamilya ni Drew at Iya kasama ang dalawang anak na lalaki.

Kamakailan lang ay bumisita ang mag-asawa kasama ang kanilang dalawang anak na lalaki sa bahay ng kanilang ninong na si Kuya Kim. Si Kuya Kim ay madalas nating makita sa TV Patrol na nagbabahagi ng mga bagong kaalaman patungkol sa mga kakaibang hayop o di kaya naman minsan ay nagrereport ng lagay ng panahon sa ating bansa.



Naging host din siya ng isang programa sa telebisyon na pinamagatang ‘MatangLawin’. Hindi maipagkakaila na may passion si Kuya Kim para sa mga hayop kaya naman pati sa kanyang bahay ay marami siyang kasamang iba’t-ibang uri ng hayop.

Dahil dito, para na ring bumisita sa Zoo sila Iya at Drew. Lubos na namangha ang mga bata lalo na si Primo sa kanyang mga nakitang hayop. Ilan lamang sa mga hayop na nakita nila ay ang pet tortoise ni Kuya Kim, mga exotic na ibon, ahas at iba’t-ibang uri ng mga butiki.

Kahit ang mag-asawang Drew at Iya ay tuwang-tuwa din nang makita ang mga alagang hayop ni Kuya Kim lalo na kapag hinahawakan niya ang mga ito at pinapagawa ng ilang tricks.

Ano ang iyong reaksyon sa bahay na ito ni Kuya Kim? Gugustuhin mo din bang magkaroon ng ganoong klase ng bahay kasama ang mga paborito mong hayop?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *