Sila ang mga Sikat na Celebrities Na Ikinasal Ngayong Taong 2018

Ang pag-iisang dibdib ng dalawang magkasintahan ay talaga namang isang nakakatuwang pangyayari kaya naman pinagkakaabalahan at pinaghahandaang mabuti ang pagdiriwang ng kasal.

Madalas ng abangan ng mga netizens ang mga magagarbong kasal ng mga kilalang pinay celebrities lalo na ang kanilang mga isusuot na wedding gown at kung saang lugar gaganapin ang kasal.

Narito ang ilan sa mga kilalang personalidad na ikinasal at ikakasal ngayong taong 2018.

1. Maxene Magalona at Rob Manaquil



Ikinasal ang dalawa noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon at dalawang beses silang ikinasal, isa sa simbahan at ang isa naman ay beach wedding.

2. Gladys Reyes at Christopher Roxas

Para sa pagdiriwang ng kanilang ika-25 na pagsasama bilang mag-asawa ay nagpakasal muli sina Gladys at Christopher noong buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.

3. Saab Magalona at Jim Bacarro

Nitong nakaraan na January ng 2018 lang din lamang ikinasal ang kapatid ni Maxene Magalona na si Saab kay Jim Bacarro.

4. Eileen Macapagal at Joey de Leon

Matapos ang 35 taong pagsasama ay pinakasalan na din ni Joey de Leon ang ina ng kanyang mga anak na si Eileen Macapagal. Kung pagbabasehan ang mga larawan ay ikinasal ang dalawa noong buwan ng Marso. Isang civil wedding at church wedding ang ginawa ng dalawa.

5. Coleen Garcia and Billy Crawford

Ang kasal nila Coleen at Billy ang isa sa pinaka-inabangang kasal ng taong 2018. Ikinasal ang dalawa noong buwan ng Abril.

6. Rachel Ann Go at Martin Spies



Ikinasal din si Rachel Ann Go sa kanyang banyagang kasintahan nito lamang Abril ng 2018.

7. Chesca Garcia at Doug Kramer

Muling nagpakasal sila Chesca at Doug para ipagdiwang ang kanilang ika-sampung taon na anibersaryo bilang mag-asawa.

8. Kat Ramnani at Christian Baustista

Ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian ay ikinasal sa kanyang telecommunications executive na kasintahang si Kat Ramnani ngayong buwang ng Nobyembre.

9. Iza Calsado at Ben Wintle

Inaabangan nang pamilya, kaibigan at mga fans ni Iza ang kanilang kasal sa susunod buwan ng Disyembre at sinasabi ng ilan na itaon nalang ito sa araw ng pasko.

10. Kimi Yap at Jarvis Sy

Parang pelikulang ‘Crazy Rich Asians’ ang kasal ni Kimi at Jarvis dahil sa magarbong decorasyon nito at pati na din sa mga kilalang personalida na invited sa kasal.

11. Kathryna Yu at Senator Koko Pimentel

Si Senator Pimentel ay ikinasal sa kanyang kasintahan na si Kathryna na isang chairperson sa PDP Cares.

12. Gee Canlas at Archie Alemania

Ikinasal ang dalawa sa The Monochrome events place sa Nuvali Laguna noong Oktubre-27.

May iba ka pa pang kilalang personalidad na ikinasal ngayong taon ng 2018?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *