Panuorin ang Video na Kuha sa isang Building na Limang Palapag ang Laki at Lumulutang sa Kahabaan ng Ilog

Sa modernong panahon natin ngayon maraming bagay na ang possible mangyari, mga bagay na kung dati ay maaring isiping imposible, han ggang pangarap lamang o sa malikot na imahinasyon lamang pwedeng mangyayari pero dahil sa teknolohiya ang mga ito ay unti-unting nagawa ng mga tao.



At kamakailan lamang pinamangha nanaman ng isang pangyayari ang mga netizen. Marami ang hindi makapaniwala sa nakita nila nilang lumulutang sa isang ilog sa China. Isang limang palapag na gusali ang nagpalutanglutang habang binabaybay nito ang kahabaan ng isang ilog.

Ang pangyayaring ito ay naganap sa Chongqing, China, manghang-mangha ang mga residente sa nakita nilang gusaling bumabagtas sa ilog Yangtze.

Ang gusali na nasaksihang palutang-lutang ay hindi isang normal na gusali na gawa sa konkretong semento at kahoy, ang gusali ayon sa Shanghaiist ay isang floating restaurant.



Ngunit ang estruktura ay hindi idinisenyo upang umandar yamang wala itong makina, kaya naman ang floating restaurant ay maingat na itinutulak ng dalawang barko.

Ayon parin sa nasabing pahayagan ang floating restaurant ay kinailangang ilipat dahil sa paglabag nito sa ilang kasunduan at regulasyon sa dati nitong kinadadaungan.

Kaya naman napilitang umaksyon ang mga kawani ng Chongqing maritime authorities, noong buwan ng Hulyo sa parehas na taon, walong floating restaurant din ang ipinasara ng Chongqing maritime authorities, dahil ayon sa kanila ang mga ito raw ay nagdudulot ng pollusyon.

At ang nakikitang kulay puti, may pulang bubung at limang palapag na gusali na itinutulak ng dalawang barge ang natatanging naiiwan na floating restaurant sa rehiyon. Ang limang palapag na gusali ang pinakahuling floating restaurant sa distrito ng Jiangjin.

Kinagiliwan naman ang paglilipat ng mga nakakita sa aktwal na pangyayari at ng mga nakapanuod ng video nito online. Marami ang namangha at naaliw sa kanilang nakita, ito ang dahilan kung bakit naging usap-usapan ang lumulutang na gusali sa social media.

Panuorin ang Video:





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *