Isang Jeepney driver ang lubos na hinangaan matapos magsauli ng pamasahe ng kanyang pasahero na nagkamali ng nasakyang rota ng jeep

Ang pang-araw-araw na pagcommute ng bawat indibidwal na nasa siyudad ay isang malaking hamon para sa nakararami dahil sa mga nakakalito na mga kalye o lansangan at nagbibilisang mga sasakyan.



May mga pagkakataon na kinakailangan mo pang maghanap ng mga tamang tawiraan at pedestrian overpass upang makatawid ng ligtas sa kabilang bahagi ng kalsada. May mga sitwasyon rin na kinakailangan mo pang sumakay ng ibang klase ng sasakyan tulad ng tricycle upang makatawid sa kabilang dulo.

Gayunpaman, kung ikaw ay isang commuter na karaniwang sumasakay ng jeep o bus na may nakapirming rota. Importante na alerto ka sa iyong sasakyan dahil maaaring hindi ito dumaan sa iyong patutunguhan marahil ang iyong nasakyan ay nasa maling rota.

Kagaya na lamang ng estudyante mula sa Eastwood College sa lugar ng Dinalupihan, Bataan na kung saan siya’y aksidenteng nagkamali sa kanyang sasakyan na jeep patungong paaralan.



Ayon sa pahayag ni Lan Smith Bulaclac, isang pasahero sa jeep na nakasaksi ng pangyayari, ang estudyante diumano’y nagkamali ng nasakyang pampasaherong jeep sa pag-aakalang ito ay dadaan sa kaniyang school.

Ilang minuto ang nakakalipas habang patuloy na umaandar ang jeep, ito ay nakarating na ng pampublikong palengke na kung saan mas malayo na sa kanyang paaralan. Nang kanyang mapagtanto na mali ang kanyang nasakyan, hiningi ng estudyante sa driver ng jeep ang kanyang sukli.

Sa kabila ng malayong naibyahe ng estudyante, imbes na singilin siya ng mas malaki ay isinauli ng driver ng jeep ang kanyang ibinayad na pamasahe at pinayuhan na sumakay na lamang ng tricycle upang makarating na sa kanyang paaralan.

Kahanga-hanga ang gawi ng driver na ito kung kaya’t ibinahagi ni Bulaclac ang litrato ng driver. Gayunpaman, hindi man malinaw ang itsura ng mabuting driver na ito sa kadahilanang siya’y nakatalikod, umani naman siya ng papuri galing sa mga netizens dahil kabutihang ipinakita nito.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *