Sulat-Kamay na Thesis ng Isang Engineering Student Noong Panahong 80’s Lubos na Hinangaan ng mga Netizen

Ikaw ba ay isang estudyante at kasalukuyang nagkakaproblema at nahihirapan sa iyong Thesis na isa sa pinakakailangan upang matapos ang iyong pag-aaral. Isipin niyo na lamang kung gaano kahirap ang mas naranasan ng mga estudyante noong kapanahunan na wala pang kompyuter o printer.



Kinakailangan na manu-manong gawin ang mga mahahabang talata sa pamamagitan ng sulat-kamay. Hindi maaari ang magkamali dahil siguradong hindi mo din naman gugustuhin na magpasa ng isang proyekto na maraming bura at madumi.

Ang trinatrabaho ng mga estudyante sa panahong ito ay mas madali na dahil mayroon na ngayong mga instrumento na kung saan mas napapabilis at napapadali ang buhay estudyante. Ngunit karamihan sa kanila ay napakarami pa ding reklamo at hinaing sa kabila ng mga alok ng makabagong teknolohiya.

Balik nakaraan noong mga panahon na estudyante pa lamang sa kolehiyo ang ama ni Randel Tablada, kinakailangan nila na gawin ang lahat ng bagay sa pamamagitan lamang ng sulat-kamay. Ang iba naman ay gumagamit ng typewriters.

Ang binata na si Randel ay hangang-hanga sa sulat-kamay ng kanyang ama na nakalagay sa isang Thesis book na isinagawa noong 1980’s. Ito ay ibinahagi niya sa Social media at talagang napakaraming netizens ang lubos na nagalak at humanga.

Sa loob lamang ng tatlong araw, ang pinost ni Randel ay nakatanggap ng mahigit 16.3 libong retweets at 57.6 na libong likes.



Samantala, ang isa sa mga pahina sa Facebook na “When in Manila” ay sinubukang makapanayam ang kanyang ama na si Engr. Almar Tablada upang makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa kanyang mga karanasan noon.

Ang 57-year-old na Enhinyero ay nagmula sa Isabela at kasalukuyang nagtatrabaho sa Bureau of Equipment of the Department of Public Works and Highways. Ang reaksyon naman ni Enhinyero Tablada ay talagang lubos na natuwa at nagulat nang kanyang malaman na naging viral ang kanyang gawa. Ayon sa kanya ito ay kanyang pinakakaingat-ingatan na dokumento kung kaya’t ito ay mukhang bago pa rin.

Kanya ring ibinahagi na ginugol niya ang buong semester upang matapos lamang ang librong ito, ginagawa ito tuwing araw ng pasukan mula 10pm hanggang 2am. Kanya ring nabanggit na hindi lamang isang libro ang kanyang nagawa kundi ito’y dalawa. Ang isa niyang nagawa ay tungkol sa coal fired thermal power plant samantalang ang isa nama’y tungkol sa combined diesel electric power plant and hydro electric power plant.

Source: Rachfeed





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *