Anak ng Isang Pedicab Driver Mula sa Camarines Sur ang Nagtapos na Magna Cum Laude sa Kolehiyo

Siya si Sandra Estefani Ramos, ang ulirang anak ng isang pedicab driver na nakapagtapos sa kolehiyo at nag-uwi ng karangalan bilang isang Magna Cum Laude. Marami sa nakabasa ng kanyang kwento ay talagang naantig ang damdamin at puso.



Siya ay nakapagtapos bilang isang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor in Secondary Education sa mataas na paaralan ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology.

Ayon sa dalaga, napakaraming estudyante na talagang mas magagaling at matatalino kaysa sa kanya. Ngunit nang dahil sa kasipagan at pagtitiyaga ng kanyang ama maitaguyod lamang ang kanyang pag-aaral, ito ang kanyang naging inspirasyon upang magsikap sa kanyang pag-aaral.

Ito ang pahayag ni Sandra sa isang interview: “Until now, I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are other students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reason why I became Magna Cum Laude.”



Ayon sa kanyang Ina na si Cyril Ramos, nabanggit nito na ang kanyang asawa na si Renato ay laging inuuna na prayoridad ang mga gastusin ng kanyang anak sa paaralan tulad ng mga proyekto at pamasahe; at ang natira namang pera ay nakalaan na para sa pagkain.

Ayon naman sa isang School Associate Professor na nakakakilala kay Sandra, si Professor Ronnie Rubi, inilarawan niya si Sandra bilang isang mapagkumbaba, simpleng tao, at natatangi na nakaranas ng napakaraming pagsubok sa buhay.

Patunay lamang ito na anumang estado mo sa buhay, kahit ano’y posibleng mangyari kahit na ang iyong pangarap basta ika’y matiyaga at masipag, at higit sa lahat pinapahalagahan mo ang mga taong walang sawang sumusuporta sayo.

Tunay ngang isang inspirasyon si Sandra sa lahat ng mga estudyanteng dumaranas ng pagsubok sa kanilang pag-aaral kung kaya’t wag natin sayangin ang mga oportunidad.

Source: Sandra Ramos Facebook Account



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *