Bumili ng BMW Car ang 12 Years Old na Batang Professional Makeup Artist Gamit ang Sariling Pinaghirapan na Pera

Ang batang babae na ito ay nagngangalang Nathannan at sa kanyang murang edad marami na siyang napatunayan gamit ang kanyang husay sa pagmamake-up. Sa edad na labindalawang taong gulang, siya ay isang ganap nang propesyonal na make-up artist.



Siya ay nagsimulang sumubok na matuto magmake-up noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Noong una ay tila naglalaro lamang ang bata habang gamit gamit ang mga brush pangmakeup hanggang sa nauwi na ito sa matinding pagkahilig nito sa pagmamake-up.

Nakilala si Nathannan nang siya ay magtrending sa social media matapos magupload ang kanyang ina ng isang video na kung saan ang bata ay pinapaganda ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagmamake-up rito. Simula mangyari ang pagkalat ng kanyang video at umani ng mga positibong reaksyon, siya ay nagtuloy-tuloy na mas pag-ibayuhin pa ang kakayahan.

Kasalukuyan, mayroon siyang YTube account na kung saan kanyang ipinopost ang mga make-up tutorials na aabot sa mahigit 270,000 subscribers. At nitong nakaraang taon lamang, ang batang si Nathannan ay nagkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho kasama ang iba pang propesyonal na make-up artist sa London Fashion Week.



Kamakailan lamang nitong April 9, muling nagtrending sa social media si Nathannan matapos mag-upload siya ng isang litrato with caption na talagang ikinamangha ng mga netizens.

Ang litrato ay naglalaman ng kanyang katauhan habang nakatayo sa tabi ng isang BMW na kotse at mayroong nakapatong na malaking pula na ribbon. Agad na bumaha ang shares nito sa loob lamang ng tatlong araw na aabot ng mahigit 15,000 shares.

Gayunpaman, ang perang ginamit ni Nathannan ay nagmula sa kanyang mismong ipon na kanyang pinaghirapan na bunga ng husay niya sa kanyang larangan. Sa kanyang post, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tao na walang sawang sumuporta at tumulong sa kanya.

Ito ang kanyang sinabi: “Happy Birthday to me. I will be 12 years old this year. I am very grateful for everything I have so far and I’m thankful to my fans for supporting me. Thanks for all the well wishes, I wish everyone the same as well!”

Source: Mothership



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *