Malakas Kumita ang Estudyanteng Ito sa Kanyang Pagbebenta ng Kape sa Loob ng Kanilang Classroom Habang Napapanatiling Gising na gising ang Kanyang mga Kamag-aral

Isang estudyante ang may napakamalikhaing paraan para kumita ng pera para may maipangbaon, kasabay din nito ang mapanatiling gising ang mga kanyang kaklase.



Ang pagiging estudyante sa isang paaralan ay minsan ay nakakapanghina. Ilang oras na pakikipag panayam na may kasama pang school works ay pwedeng magsanhi ng madaling pagkahina, pagkawalang gana o pagkaantok ng isang estudyante.

Samantalang ang iba gumagastos ng mamahahaling kape magising lamang, gayunpaman, isang tasa ng kape ay pwedeng makatulong.

Si Paolo Gulapa ay isang estudyante na sa murang edad pa lamang ay marunong na dumiskarte sa kadahilanang kapos sa buhay, ngunit ginamit nya itong inspirasyon para makatulong hindi lamang sa kanyang sarili kundi para din sa kanyang pamilya, sa murang edad pa lamang, si Paolo ay natuto nang mag negosyo kasabay nito ang pagtulong sa kanyang mga antukin at pagod na mga kaklase.



Si Aldreen Pelobello Siplon, isa sa mga kaklase ni Paolo ang nag share ng kanyang mga pictures sa Facebook habang nagtitinda ito ng kape sa loob ng classroom.

Si Paolo ay laging may bitbit na malaking termos na kung saan meron ng mainit na tubig, styrofoam cups at ilang pakete ng mga kape na kailangan nya para sa kanyang negosyo. Naglalagay din sya ng karatula sa labas ng kanilang classroom upang madaling mapansin ng iba na merong kapeng tinitinda sa loob.

Ibinahagi ni Siplon kung gaano kapursigido si Paolo sa kanyang negosyo makaipon lang ng pera para makatulong siya sa magulang niya sa mga bayarin sa eskwela.

“Yung classmate mong may matinding pangangailangan at the same time napupunan din ‘yung pangangailangan ninyo.”, sulat ni Siplon.

Ang pagiging malikhain ni Paolo pagdating sa negosyo sa pagtitinda ng kape ay patok sa kanilang paaralan kasi naeenjoy ng mga kaklase nya ang sinasabing instant coffee sa loob ng paaralan. Dumadating sa punto na nauubos ang kanyang paninda kaya nilalagyan nya ang nakapaskil na karatula sa labas ng classroom nila na “Out of stock” na.

Natuwa naman ang karamihang Netizens sa pag pupursigi ni Paolo sa pagiging malikhain pag dating sa pag nenegosyo, “Inspiring and motivating for other friends and classmates.This is where entrepreneurship begins.” sabi ni Kimlin CiaoPen na isa din sa mga Netizens.

“Parang ako dati. Nagtitinda ng candy at adobong mani sa classroom namin, hindi ako nahihiya.” bahagi ni Montejo Weng na isa sa mga nagkomento ng positibo kay Paolo.

Source: Facebook



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *