Nairaos din ni Mommy Precious, Isang 39-year-old na Ina ang Kanyang Pag-aaral ng Senior Highschool sa Laguna

Siya ang 39 taong gulang na ina na kamakailan lamang ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Senior Highschool at naging inspirasyon para sa marami.

Ang kanyang pangalan ay Precious Manguerra o kilala din sa tawag na “mommy Precious.” Sa wakas ay kanyang napagtagumpayan na makapagtapos sa Senior High School.



Sa edad na tatlumpu’t siyam na taong gulang, si Mommy Precious ay mayroon nang apat na supling. Siya ay naniniwala sa kasabihan na “AGE IS JUST A NUMBER” upang matamo ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Ang maligayang ina na si Precious ay naglakad sa stage kasama pa ang ibang mga estudyante na magtatapos din sa batch ng LABAS SENIOR HIGHSCHOOL upang tanggapin ang kanilang mga Diploma, sa ilalim ng academic strand na HUMSS o Humanities and Social Sociences na may kasamang mataas na karangalan o high honors.



Siya ay naging pang-4th honor sa kanilang batch na nagtapos at nakatanggap din ng parangal na Pandayan Resiliency Award. Siya ay kinilala din bilang isang miyembro ng Organisasyon sa Journalismo sa kanilang campus.

Inamin ni Mommy Precious na noong panahon ng kanyang kabataan, siya raw ay naging “Delinquent Student” o isang pabaya na estudyante. Ito ang kanyang pahayag ayon sa ating source na Inquirer: “Marami akong pagkakamali noong kabataan ko pero mula doon ako ay natuto at nagsumikap na ayusin ang aking buhay kasama ang aking pamilya na itinatag.

Kanya pang dagdag na palagi siyang nagcucutting classes, ngunit ngayon, siya ay nagsisilbing inspirasyon at isang magandang halimbawa para sa mga mas nakababata niyang kamag-aral.

Sa kanyang graduation speech, nabanggit ni Mommy Precious lahat ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tao na sumuporta sa kanya at higit sa lahat hindi rin daw ito magiging posible kung hindi dahil sa ating Panginoon.

Nabanggit rin niya na sulit ang lahat ng pagtitiis at paghihirap sa pag-aaral dahil, “Ang edukasyon ay isang mataas na uri ng kayamanan. Kayamanan na ‘di maaagaw sa iyo ng sinuman.”

Ang sunod na hakbang na gagawin ni Mommy Precious ngayong tatapak na siya sa Kolehiyo ay ang pagkuha niya ng degree in Multimedia Arts with Specialization in Mobile Technologies sa FEU.

Source: Precious/Facebook



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *