Ang 64 Years Old na Tricycle Driver Galing Mindanao ay Nakapagtapos sa Kolehiyo na Mayroong Degree sa Education

Ang 64 taong gulang na si “Mang Generito” ay isa sa mga taong maipagmamalaki na kung saan marami ang kanyang mga nainspired sa kanyang dedikasyon sa pagpursigi makapag tapos ng kolehiyo na kung saan ay masasama sya sa mga listahan ng mga may nakakainspire na kwento ng mga makakagraduate.



Ang kwento ni Mang Generito U. Yusores ay mabilis kuamalat viral matapos makita ng mga netizens ang pag pursigi ni lolo makapagtapos na kung saan pinapahayag niya sa karamihan na hindi pa huli ang lahat para makamit ang inaasam na tagumpay.

Bilang isang Senior Citizen, sa kanyang edad, natapos at nakumpleto ni Mang Generito ang Bachelor of Secondary Education Major in English sa Western Mindanao University External Studies Unit-Molave Zamboanga del Sur Campus.

Sa kagustuhang makapagtapos ni Mang Generito, ginawa nya ang lahat maabot lamang ang inaasam na pangarap na maging teacher. Isang tricycle driver si Mang Generito pag umaga at estudyante naman kapag gabi.

Ilang dekada ang nakalipas, isa si Mang Generito sa mga batang nagbulakbol noon. Ibinahagi nya kung paano nya nasayang ang pagkakataon na makapag aral noong kabataan nya. Pinag aral sya ng kanyang mga magulang sa Ateneo de Cagayan sa kursong BS Agriculture subalit tinangay lamang ito ng parang hangin sa kanya ng malulong ito sa bisyo na naging sanhi ng pagtigil nya sa pag aaral.



Halos meron na lamang siyang 1 taong tatapusin para makagraduate ngunit naibagsak nya ang lahat ng subjects na naging rason ng pagka dropped nya sa klase. Ito din ang rason kung bakit hindi na sya sinuportahan ng kanyang mga magulang.

Sa kabila ng pag bahagi ni Mang Generito ng kanyang kwento noon, sa ilang taon nyang pagiging tricycle driver ay napagtanto nya na gusto nya makahanap ng magandang trabaho para sa sarili. Aminado si Mang Generito na naiinggit sya sa mga kaklase nya na may magagandang trabaho samantalang hirap na hirap sya kumita lang ng pera.

Sa kabila ng pagpupursigi ni Mang Generito sa pagkamit ng kanyang pangarap, meron pa ding mga tao na pumuna sa kanya at sa kanyang edad bilang maging isang guro. Isa sa mga nag sabi ng pumuna sa kanya na “Taas na ang lubi” (ang niyog ay masyado ng mataas) na ang ibig sabihin ay imposible ng makamit.

Sa kabila ng mga negatibong natanggap ni Lolo Generito, pinatunayan nya na mali sila nang makakuha si Mang Generito ng scholarship sa WMSU-ESU Molave. At ngayon, isa sya sa 1,397 na gagraduate na halos proud na proud habang suot ang kanilang toga at makakatanggap ng college diploma.

Minsan sa buhay, aabutin tayo ng dekada para matuto at Maitama lahat ng mali natin sa nakaraan. Congratulations, Mang Generito.

Source: Jam Suficiencia/Facebook



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *